Special Chapter 3

8.8K 260 13
                                    

A/N: Heto na po ang special chapter para kina CJ at ZK. Enjoy

[Klark's POV]

Isang oras! Isang oras na akong naghihintay pero wala pa siya! Ugh! Akala ko ba 1 pm ang vacant period niya? Pero alas dos na ng hapon! Sinubukan ko na siyang tinawagan kanina pero hindi niya sinasagot. Nakailang text na rin ako pero wala siyang kahit anong reply. Naiinis na talaga ako! Tinignan ko ulit ang oras!

Kapag wala pa siya, uuwi na talaga ako tutal tapos na ang klase ngayon.

"Love! Sorry!!! Nagka-emergency meeting kasi sa basketball club. Namove para yung game namin. Sorry talaga," sulpot ng asungot! Yung pinaghintay ako ng isang oras.

I rolled my eyes.

"Oo na! Oo na! Palagi namang ganiyan. Hindi na bago sa akin," pagdadrama ko. Niyakap niya ako.

"Sorry na po Love," ngumuso pa siya sa harapan ko. Inihilamos ko sa kaniya ang palad ko.

"Sorry sorry. Ayoko sa sorry mo," kunwaring galit-galitan ko. Mas lalong ngumuso siya. Ta*na. Ang cute niya sa lagay na yan! Tumigil ka Klark! Magpigil ka!

Ahhhhhhh! Fine! Hindi ko na mapigilang mapangiti. Tumawa siya.

"Aha! Sabi na eh! Hindi mo talaga ako matitiis!," mayabang niyang sabi.

"Heh! Yabang mo! Pasalamat ka....mahal na mahal kita," ngayong college na kami, mas naging open pa kami sa nararamdaman namin. Masasabi kong, minsan hindi kami pareho ng vacant, hindi namin hinahayaan na hindi kami magkaroon ng bonding sa isang araw.

Hindi ba kami nagkakasawaan? Never mga kuys!

Binigyan niya ako ng mabilisang halik.

"Ayun! Sarap!," sabi niya. Bigla kong napalo ang braso niya.

"Bunganga mo! Kung ano ano lumalabas diyan! Tara na nga!," sabi ko sa kaniya at inalis ang kamay niya na nakayakap sa akin tsaka ako tumayo, ganun din siya. Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami.

Anyway, Third year College na kami ngayon! Education ang kinuha kong kurso. Major in Mathematics. Habang si CJ naman, Civil Engineering.

"Ah sh*t," biglang mura ng kasama ko.

"Anyare sa'yo?," kunot noo kong tanong sa kaniya.

"Naiwan ko yung book ko sa locker. Kailangan ko yun. Uhm....hintayin mo nalang ako dito please??," napabuntong hininga.

"Fine. Bilisan mo," sabihin ko sa kaniya. Bigla siyang ngumiti ng malapad.

"Ayun. Be ready love," bulong niya na ikinataka ko. Magtatanong pa sana ako nang hinalikan at saka siya tumakbo ng mabilis.

"Hoy! Anong pinagsasabi mo! Hoy!," napakamot ako ng ulo. Ano ba yan!

Habang naghihintay ako ay napansin ko ang isang grupo ng mga Second Year College na Cilvil Engeneers. May hawak silang mga balloos. At teka!!! Lalong napakunot ang noo ko nang may narinig akong kanta.

B-boses yun ni CJ!! Siya yung kumakanta! Pinalibutan ako ng mga Engeneering Students.

"Okay.....? Anong kalokohan 'to?," bulong ko sa hangin. Bigla silang sumayaw. Natawa ako bigla. Hindi naman sa hindi sila magaling sumayaw, in fact  magaling sila.

"Ano' to?," tanong ko sa kanila. Ngumiti lang sila at lumapit silang lahat pagkatapos ay binigay nila sa aking ang hawak hawak nilang balloons. Ang dami! Okay, hindi lang simple yung balloons. May design. Nang tinignan ko ng mabuti ang design ay mukha namin ni CJ ang nandoon!

Isa isa silang binati ako ng 'congrats'

At saka sila umalis. Na siya namang pagsulpot ni CJ.

"Ano 'to hah?"

Ngumiti siya sa akin pagkatapos ay lumapit siya sa akin. May hawak hawak siyang bulaklak at isang stitch na human size. Inibaba niya muna yun at saka siya nagsalita.

"Love, Apat na taon na tayo. Sa apat na taon na yun, walang araw na hindi ako naging masaya. Akala ko noon, hindi na tayo magkikita ulit nung mga panahong umalis kayo ng mama mo. Limang taon akong naghintay bago ulit tayo nagkita. Nung nakita kita,  ang gusto kong gawin ay ang yakapin ka at sabihing sobrang namiss kita. Nakakatawa nga lang kasi ilang buwan ang sinayang ko bago ko sinabing mahal kita. Mali pala, narinig mo pala nun kasi hindi ko sayo mismo inamin. Haha. Nung naging tayo, akala hindi tayo aabot sa ganito katagal kasi nga diba? Nangialam si Dad pero heto tayo ngayon, tayo parin hanggang ngayon. Wala na akong ibang hihilingin pa kundi ang makasama ka pa ng matagal. Love, sobrang mahal na mahal kita at alam kong alam mo yun. Salamat sayo kasi hindi ako magiging ganito kung wala ka. Kung hindi kita nakilala, walang CJ na ganito ngayon. Salamat sa'yo ZK. Walang araw na hindi ako nagpapasalamat sa Diyos kasi nakilala kita, kasi minahal kita at minahal mo din ako. Kaya simula sa araw na ito, gusto ko ng mas-ingat pa ang lebel ng relasyon natin....," bigla akong naiyak nang lumuhod siya sa harapan ko. Hinawakan niya ako ang magkabilang kamay ko.

" Zhane Klark Anderson, will you be my husband for real?," sinuntok ko siya ng pabiro.

"Tinatanong pa yan? Syempre oo ang sagot ko," sabi ko kaniya. Nagpalakpakan ang mga nasa paligid namin. Hindi ko nalang pinansin ang mga taong nakapalibot sa amin at niyakap siya.

"Aaaaahhhhhh! Yes!," sigaw niya ay niyakap din ako ng mahigpit.

"Thank you. Thank you," bulong niya sa akin at hinalikan niya ako sa noo.

Ramdam ko ang kasiyahan niya. At ganun din ako. Sobrang saya ko.

Lord, thank you. Thank you for giving a me a guy like him.

°°°°°°°°°°°°°

"Congrats ulit!!," bungad sa akin ni Brix.

"Salamat," sabi ko sa kaniya. Well, nandito kami ngayon sa Aeden Academy. Founding Anniversary kasi ng A.A. At since wala kaming pasok na apat (Ako, CJ, Brix at Jerome), naisipan naming manood.

Si CJ, pumunta saglit sa Office ni Mommy Aubrey. Oo, mommy na tawag gaya sabi niya. Tutal daw ikakasal naman na daw kami. Haha.

Habang si Jerome...

"Yo guys!," speaking of...

Gusto niyo malaman kung anong nangyari kina Jerome at Brix? Well, napagdesisyunan nila na maging friends nalang sila.

JOKE LANG!

"Hi Babe," sabi ni Jerome kay Brix saka niya ito inakbayan.

"Bakit ngayon ka lang?," kunot noong tanong ni Brix sa boyfriend niya.

"Nakalimutan mo na bang ngayon ang flight ni Ate?," sandaling napaisip naman si Brix.

"Ay oo nga pala! Hala sorry. Nakalimutan ko. Hindi na tuloy ako nakapagpaalam sa kaniya," dismayadong sabi niya.

"Haha ayos lang yan. Naiintiindihan naman daw niya kasi alam mo na? Tumatanda ka na raw kaya nagiging makakalimutin ka na," bigla aiyang sinuntok ng pabiro ni Brix.

"Siraulo! Gawa gawa mo lang yun eh! Hindi yun sinabi ng ate mo!"

"Mas okay nayun kesa sa walang ulo!," tapos tumawa pa siya. Napailing ako.

"Ang korni mo!," - Brix

"Mahal ko naman" - Jerome

Ayun na nga, napailing at natawa nalang ako.

Nagsimula na silang maglambingan.

Biglang yumakap sa akin at hinalikan ako sa leeg. Literal na nagulat ako dun dahil nagugulat talaga kapag may bigla biglang hahalikan sa leeg ko dahil hindi ako sanay.

Narinig ko siyang tumawa.

"I love you"

"Mahal din kita"

°°°°°°°°°°°°°°
A/N: Aww. Engaged na sila! 😍😍 Anyway, sa side story pala nila Jerome at Brix ay sa susunod na. Kapag hindi na ako masyadong busy. Salamat sa inyo. At sana suportahin niyo rin yung mga susunod kong gagawin na story.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon