[Klark's POV]
"Sorry po Tita. Hindi na mauulit," sabi ko.
Pinagalitan kasi kami ni Tita Aubrey pag-uwi niya.
"Dapat lang. Hindi ko na gustong maulit pa 'to," tumango kami ni CJ bago siya umalis.
Napabuntong hininga ako.
Anyway, nandito kami sa kwarto ni CJ.
"Grabe ang sakit ng katawan ko," reklamo niya at humiga.
"Buti nga sa'yo," natatawa kong sabi at pinisil ang ilong niya.
"Higa ka," sabi niya at pinampag ang tabi niya.
"Ayoko," sabi ko.
"Higa ka sabi eh"
"Ayaw ko nga--aaahhhh," bigla akong sumigaw nang hilain niya ako at napahiga. Niyakap niya ako. Grabe siya.
Napasimangot ako habang siya ay nakangiti na parang tanga kaya pinitik ko ang tenga niya.
"Aray naman. This past few days, nagiging sadista ka na. Meron ka ba?," biglang nanlaki ang mga mata ko. Piningot ko nga. Hehe. Pansin ko ngang nagigong sadista ako. Pero hell! Anong pinagsasabi niyang meron ako? Hindi naman ako babae -_-
"Mukha ba akong meron?!," inis kong sabi. Aray naman siya ng aray pero hindi ko siya tinigilan.
"ZK tama na. Masakit. A-aray!," reklamo niya.
Pero nang mapansin kong mangiyakngiyak na siya ay binitiwan ko na ang tenga niya.
"Kaya mo na akong saktan. Wala kang puso," drama niya at tumalikod sa akin. Hawak hawak niya parin ang piningot kong tenga niya.
Eh...? Pero natawa ako.
"Anong drama yan?," natatawa kong sabi at niyakap siya.
"Ewan ko sa'yo," sabi niya. Bumangon ako at lumipat sa harapan niya. Tumalikod naman siya agad. Ganun ulit ang ginawa ko, ganun ulit ang ginawa. At nang magsawa na ako at nahihilo na ako sa bangon-lipat-higa-bangon-lipat-higa na scenario, pwersahan ko siyang pinatihaya at umupo sa mismong tiyan niya.
"Ang bigat mo ZK!," reklamo niya.
"Aba kaninang binuhat mo ako, hindi ka nagreklamo," singhal ko.
Tinignan niya lang ako at pumikit. Napasimangot ako. Masakit ba talaga yung pagkakapingot ko sa kaniya? (Literal koya!)
•••••••••••••||
[Josh's POV]
Isang libong 'sh*t'! Grabe, ang hirap magpigil ng ngiti. Alam niyo kung bakit? Kasi minsanan lang maglambing si ZK. Hehe. Kaya sinusulit ko.
Nang umupo siya sa mismong tiyan ko, hindi naman sa mabigat siya. Sadyang naramdaman ko lang ang sakit ng katawan ko.
"Wuy CJ!," yugtog pa niya sa akin.
Pero hindi ko siya kinibo. Eh sa gusto ko pang lambingin niya ako.
"CJ naman eh. Sorry na," sabi pa niya.
Hindi parin ako nagsalita. Hanggang sa narinig kong napabuntong hninga siya.
"Walang hiya. Tinulugan na ata niya ako...," ang hirap magpigil talaga! Naramdaman ko gumalaw suya at ang hininga niya sa mukha ko.
Narinig ko ang mihinang tawa niya.
"Kahit na may pasa ka sa mukha, ang gwapo mo parin. Haha. Tulog ka naman eh kaya susulitin ko na. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi niya.
BINABASA MO ANG
Entering All Boys' School (boyxboy)
Teen FictionA boy named Zhane Klark Anderson. A certified bisexual. But don't judge a book by it's cover. And one day.... He entered an all boys' school. What will happen to him? ••••| This is story between two men with a twist. If you don't want this story, y...