Enter 44: OPLAN TOKHANG

8.3K 385 18
                                    

[Klark's POV]

Nandito parin kami sa garden.

"So ano? Tuloy ang plano?," tanong ni Jenny.

"Plano? Ang alin?," takang tanong ni Brix.

Pinanlakihan naming tatlo (Ako, Marcus, Faye) ng mata si Jenny. Ipapahamak pa kami ng kadaldalan ng babaitang ito!

"Ano? May hindi ba ako alam? Kaibigan ko ba talaga kayo?!," madramang tanong pa ni Brix.

Palihim kong kinurot sa tagiliran si Jenny.

"Aray...," bulong niyang reklamo.

(Wala kasi si CJ, nasa banyo kaya safe ang plano. Haha)

"Ano? Sabihin niyo!," sabi pa ni kuya Brix.

"Ano kasi Brix...ahm...," napatakip nalang ako ng noo. Walang maniniwala sa kaniya kung ganyan.

"We're planning to make Christian jealous," biglang sabi ni Faye.

"Ano???!," gulat na sigaw nina Jerome at Brix. Muntik pa ngang mahulog si Jerome sa kinauupuan niya. Habang si Brix naman, nahulog yung cake na isusubo niya sana.

"Gulat na gulat mga kuys?," natatawang tanong ni Jenny.

"Malamang magugulat kami! Anong gusto mong magiging reaksyion namin?," naiinis na sabi ni Brix. Uminom lang ng juice si Jerome.

"Relax Brix. Plano talaga naming pagselosin si Christian. Ite-test lang namin kung may feelings ba siya sa Klark natin," simpleng explain ni Faye kay Brix.

"W-wait...so totoo nga? May feelings ka nga sa kaniya?! Hindi ka pala magkakagusto sa kaniya huh," napalunok ako bigla. Nasabi ko kasi sa kaniya dati na hindi ako magakakagusto kay CJ.

Tumayo siya tapos lumapit sakin.

"Hmm...ito pala yung sinabi mo sakin dati na 'hinding-hindi ako magkakagusto sa kaniya' huh," sinamaan ko siya ng tingin.

"Tumigil ka nga Brix. People change. Remember?," inis kong sabi.

"Oh bakit naiinis ka? Diba, sinabi ko sayo nun na kapag nalaman kong magkakagusto ka sa kaniya ako mismo ang magsasabi sa kaniya?," napatayo ako at tinakpan ang bunganga niya.

"Subukan mo...sasabihin ko din sa kaniya na gusto mo siya," bulong ko. Tinanggal niya ang kamay ko sa bunganga niya.

"Hehe. Joke lang naman Klark. Ikaw naman. Hindi na mabiro. Charot charot lang. Syempre, ayaw ko namang maging KJ. So, ano? Paano yung plano? Excited na ako!," parang tanga niyang sabi. Isang hingalan lang yan huh. Haha. Takot palang malaman ni Jerome na may gusto siya sa kaniya.

"Heto nga...ang OPLAN TOKHANG-," agad na nagreact si Brix.

"Oplan tokhang? Ano yan? Nakadrugs kayo?"- Brix

"Aba si Jenny ang nagpangalan sa plano na 'to"-Marcus

"Tse! Porke't Oplan tokhang na, tungkol sa drugs na! Okey naman yung oplan tokhang ah! Ang ganda kaya pakinggan"-Jenny

"Ewan ko sayo! Baliw ka na! Sabihin mo na yung plano!"-Brix.

"Nagmamadali kuya?"-Jenny.

"Sabihin na kasi! Excited na ako!"-Brix

"Heh! Eto na nga...atat na atar naman itong lalaking ito...dapat sobrang clingy ni Marcus at Klark sa isa't isa. Yung feeling na sobrang sweet tapos parang mag-shota! Ganun!"-Jenny.

Biglang nagtaas ng kamay si Faye sabay sigaw ng 'aha!'

"What if...magpapanggap na magboypren etong si kuyang Klark at koyang Jerome," biglang naubo si Jerome habang umiinom ng juice. Grabe haha. Buti nalang walang nakaupo sa tapat niya.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon