Enter 49

8.1K 376 9
                                    

[Klark's POV]

"Anong ibig niyong sabihin? Anong ibig sabihin ng mga narinig ko?"

Yan ang agad kong sinabi pagkatapos kong marinig ang pinag-uusapan nila.

Tinignan ako ni CJ na nanlalaki ang mga mata niya habang si Mama, nakangiti.

"'Nak, lapit ka," sabi sakin ni mama kaya sumunod ako.

"Klark,, naaalala mo pa ba yung batang lalaki sa hospital nung bata ka?," tanong ni mama sakin. Napaisip naman ako. At pilit na inalala iyon.

[Flashback]

Pagdilat ng aking mga mata ay napatingin ako sa paligid ko. Puro puti ang nakikita ko. N-nasa hospital ba ako?

Sinubukan kong umupo pero napahawak agad ako sa aking ulo dahil biglang sumakit. Napakunot ang noo ko nang mapansin kong may benda sa ulo ko. A-anong nangyari sa akin?

Napatingin ako sa babaeng natutulog. Nakapatong ang ulo niya sa gilid ng kamang hinihigaan ko.

"M-ma...," tawag ko sa kaniya. Agad naman siyang nagising. Mangiyak-ngiyak pa siyang niyakap ako.

"Anak, buti gising ka na," mangiyak-ngiyak niyang sabi.

"M-ma...masakit katawan ko," ungol ko.

"S-sorry anak. Masaya lang kasi akong nagising ka na. Sandali lang hah? Tatawagin ko lang si Doc," tumango ako. Pero bago siya lumabas ay hinalikan muna niya ako sa noo.

Paglabas niya ay siyang pagpasok din ng isang batang lalaki. Gwapong lalaki, sa totoo lang.

"ZK!!! I'm glad you're awake! Hindi mo lang alam kung gaano ako nag-alala sa'yo. Akala ko mawawala ka na," then I saw his tears. Nagulat nalang ako nang yakapin niya ako.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon