Enter 65

4.9K 240 18
                                    

[Klark's POV]

"Good morning," rinig kong bati ng katabi ko pagkagising ko.

"Good morning," bati ko pabalik at niyakap siya.

"Kanina ka pa ba gising?," tanong ko habang nakapikit pa at nakasubsob ang mukha ko sa leeg niya. Ang bago kahit wala pa siyang ligo. Hehe.

Narinig ko siya napatawa ng mahina.

"Oo kanina pa ako gising at kanina pa ako nakatitig sa'yo"

"Ang adik mo. Haha..."

"Adik sa'yo," sabi pa niya.

"Ang korni mo," natatawa kong sabi pero syempre kinikilig parin ako gaya ng dati. Uhm...eight days nalang pala fifth monthsarry na namin.

Hindi ko siya narinig na sumagot pa kundi naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko.

"Bangon na tayo," sabi niya. Tumango ako at bumitaw sa kaniya. Bumangon naman siya at tinignan niya ako.

Iniabot ko naman ang kamay ko para tulungan niya akong bumangon. Inaantok pa kasi ako. Pero since maaga daw aalis si Tita at walang mag-aasikaso kay Alice.

Hinila niya ako para makabangon at pagkabangon ko ay tumapat ang mukha niya sa mukha ko. Nakangisi siyang nakatingin. Tatakpan ko palang sana ang bibig ko, nakalimutan kong hawak-hawak na niya pala ang kamay ko kaya ang resulta, nahalikan niya ako.

"Ano ba yan! Hindi pa ako nakakapaghihilamos eh," reklamo ko.

"So, kapag nakapaghilamos ka na, pwede kitang halikan?," binawi ko ang kamay ko sa kaniya at marahan kong tinulak ang noo niya.

"Ewan ko sa'yo tara nga," natatawa kong sabi at nauna ng lumabas sa kwarto niya.

••••••••••||
Napabuntong hininga ako. Ang tagal naman ni CJ. Hinatd niya kasi si bebe Alice sa school niya pero magdadalawang oras na pero wala parin siya. Sinubukan ko na siyang tawagan pero hindi sumasagot. Nagsimula na tuloy akong kabahan.

Nataningin ako sa kisame ng kwarto ni CJ.

Ginulo ko ang buhok ko. Mababaliw na ako sa kakaisip. Sinubukan ko ulit siyang tawagan.

"The number you have dialed us can not-"

Kakabw*sit na sa totoo lang.

"Ugh! CJ sagutin mo naman!," singhal ko. Dinial ko ulit pero gaya ng kanina, yung nakakairitang babae ulit ang nagsalita.

Inis kong binitiwan ang phone ko at napatitig sa phone case ng phone ko na stitch. Bigay yun ni CJ nung 4th monthsarry namin. Ayaw ko ngang tanggapin kasi every monthsarry namin may binibigay siya samantalang ako, wala akong maibigay.

Napabuntong hininga ako.

Tinawag ko ulit siya at gaya ulit ng kanina.

Nasaan ka na ba??

••••••••••||

[Josh's POV]

"Alice, mag-iingat ka okay? Ya, pakibantayan nalang siya," sabi ko kay Alice at sa Yaya niya.

"Opo sir," tumango ako at nginitian siya.

"Aalis na ako Alice ha? Pakabait ka," timango yung kapatid ko at saka niya ako hinalikan sa pisngi. Ginulo ko naman ang kanyang buhok bago napagpasiyahang umalis.

Habang nagbi-biyahe ako ay may biglang hmarang na kotse sa daanan. What the...

Buti nalang naapakan ko agad yung preno. Tinted yung kotse niya kaya hindi ko makilala yung driver. Agad akong lumabas ng kotse ko at lumapit sa kotse.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon