Enter 69: Iloveyou

4.4K 221 5
                                    

[Klark's POV]

Papaunta na kami sa parking lot para umuwi na nang biglang may tumawag kay CJ.

"Christian Josh"

Napalingon kaming tatlo sa tumawag kay CJ.

Isang lalaki na sa tingin ko ay kaedaran lang ni Tita Aubrey. Nakaformal attire siya. May tatlong bodyguards pang nasa likuran niya na akala mo ay cast sila sa movie na Men In Black dahil lahat sila ay nakakulay itim.

"Dad"

Yan ang narinig ko kay CJ kaya medyo nanlaki ang mata ko. Ibig sabihin ang taong tumawag sa kaniya ay ang Dad niya. Napalunok ako. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Tumingin sakin ang lalaki.

Makikita ko ang pagiging ma-awtoridad niya sa isang tingin palang. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

Biglang hinawakan ni CJ ang kamay kaya tumingin ako sa kaniya. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakapit niya nang lumapit ang Dad niya sa pwesto namin.

"Hindi mo lang ba ako babatiin?," ngiting tanong niya kay CJ pero halata ang pagkainis sa boses niya.

"Uuwi na kami," walang emosyong sabi niya sa amin at hinila niya ako.

"I'm still talking to you Christian!," lilingon pa sana ako nang magsalita si CJ na nakapagkunot sa noo ko.

"Jona! Halika na!," ramdam ko pa ang hindi magandang mood niya.

Binuksan niya ang passenger's seat kaya sumakay na ako. Nagulat ako nang padabog niyang isinara ang pintuan.

Dali dali niyang pinaandar ang kotse niya at tsaka niya yun pinaharurot. Hindi naman masyadong mabilis yung pagpapatakbo niya pero nag-aalala ako. Kahit kanina pa ako kating kati na tanungin siya kung ano ang nangyayari, mas minabuti ko nalang na wag na siyang tanungin.

Nakatingin lang ako sa kaniya hanggang sa makauwi kami Agad siyang lumabas ng kotse niya kaya agad din akong lumabas.

"C-CJ...," tawag ko sa kaniya.

Tumingin naman siya sa akin. At tumigil sa paglalakad.

"A-ayos ka lang ba?,"

"H-huh?"

Nilapitan ko siya.

"Anong problema? D-dahil ba sa D-dad mo?," hindi siguradong sabi ko. Nababuntong hininga siya. Naglakad siya pabalik at hinawakan ako sa kama. Hinila niya ako papasok ng kwarto niya.

Pagkasara ng pinto ay bigla niya akong niyakap- yung sobrang higpit na yakap.

"C-CJ...," tawag ko ulit sa kaniya pero wala akong nakuhang response mula sa kaniya kaya naman ay niyakap ko nalang siya pabalik.

Limang minuto ata kaming nagyakapan.

Nang bumitaw siya sa yakap ay hinawakan ko siya sa magkabilang kamay.

"Kung may problema ka, nandito lang ako Love," sabi ko sa kaniya.

Tumango siya.

"ZK, pwede bang mangako ka na walang iwanan? Na kahit na sino man ang dumarating para lang paghiwalayin tayo, walang bibitaw," sabi niya.

"C-CJ...," yun lang ang nasabi ko.

"Mangako ka please," napabuntong hininga ako at tsaka ngumiti.

"Pangako," sabi ko habang tumatango.

Nagulat nalang ako nang bigla siyang umiyak.

"Thank you," sabi niya at niyakap ulit ako.

"CJ ano ba kasi ang problema?," pati ako nadadamay sa pag-iyak niya dahil naiiyak narin ako.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon