Enter 31: I'm Going With You

10.8K 454 8
                                    

[Klark's POV]

3 Months later...

Yes! Tatlong buwan na ang nakalipas. Final Examination na namin ngayon this First Semester. At pagkatapos nitong exam...uuwi ako sa probinsiya namin dahil semestral break na.

Papasok na ako ngayon sa classroom kasama si CJ.

Pagkapasok namin sa classroom ay si Jerome na agad ang bumungad samin. I gulped. Naaalala ko kasi yung nangyari kahapon >.<

Walang hiyang surprise date.

[Flashback]

Brix Pogi calling...

Agad kong sinagot yun.

"May kailangan ka?," bungad ko.

[Gandang pambungad Klark. Hello din]

Rinig ko ang pagkasarkastiko sa boses niya.

"Ano? May kailangan ka? May gagawin pa ako!"

[Tss. Kailangan mo kong puntahan]

"Saan? Sa dorm niyo?"

[Hindi! Wala ako dun]

"E nasaan ka ba?"

[Ipangako mo muna na pupuntahan mo 'ko]

"Fine! Text mo nang yung address. Pasalamat ka kaibigan kita"

Nakakainis no? Napakademanding!

Agad akong nagpalit ng damit. Simple lang naman ang isinuot ko. Isang white T-shirt na may tatak ng guardian of the galaxy (hahaha) at isang fitted na black jeans paired with my black rubber shoes.

Binasa ko ang address na tinext sakin ni Brix.

Hmm...medyo malapit lang naman ito.

Anyway, isang parke ang binigay na address sakin ni Brix.

Sumakay lang ako ng jeep.

And there!
Sobrang ganda ng park. Yun nga lang matataas ang mga halaman. Para din siyang maze pero hindi ka maliligaw dahil may direksyon lang naman.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon