Enter 32: Para-paraan

10.7K 447 9
                                    

[Klark's POV]

Alam niyo bang ang hirap ng sitwasyon ko? (╥_╥)

Grabe! Alam niyo yung feeling na wag kang matutulog kahit nahihilo ka na kasi dapat gising ka kasi walang magtuturo ng daan -_-

"CJ! Hilong-hilo na ako," reklamo ko.

Bahagya naman siyang napatingin sakin.

"G-ganun ba? O sige...kung gusto mo titigil muna tayo sa biyahe para makapagpahinga ka na rin," kung kanina para siyang sino kung makapagsabi na huwag akong matulog...pero ngayon...parang wagas kung mag-alala

"Huh? H-huwag na! Isang oras nalang naman na at makakarating na tayo. O-ok na pala ako. Hindi na ako nahihilo. Hehe," gusto kong iumpog ang ulo ko pero baka mas lalo lang akong mahilo dito. Sigurado akong magsusuka ako neto! Remember? Hindi ako sanay bumiyahe ng matagal. Lalo na kapag hindi ako iidlip!

"S-sigurado ka? Baka mamaya...baka kung anong mangyari sayo...baka mamaya bigla kang magsuka diyan....baka mamaya-," hindi ko siya pinatapos.

"O-ok na sabi e! Bilisan mo nalang ang pagpapatakbo tutal hindi pa naman tayo liliko ng daan"

Heto na naman tayo! Palihim na naman akong kinikilig! Ny*ta! Masama na ata ito!

"Hays...sigurado ka ba talaga? Baka kasi-," hindi ko na naman siya pinatapos.

"Ano ka ba? At tsaka...nag-aalala ka ba sakin?," hindi ko maiwasang tanong sa kaniya.

"Oo! Hindi pa ba halata? Sobra akong nag-aalala sayo!," nagulat ako nang bigla niyang inapakan ang preno kaya muntik na akong mauntog.

Gulat siyang napatingin sakin habang nanlalaki ang mga mata niya na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi niya.

"A-alangan naman hindi a-ako mag-aalala sayo d-diba? M-magbestfriend tayo," dugtong niya sa sinabi niya.

Oo nga pala nakalimutan kong bestfriend lang pala ang turing niya sakin ╥﹏╥

Hays...

"E-ewan ko sayo," parang nawala ang hilo ko dahil sa sinabi niyang magbestfriend kami. Ginising ako ng katotohanan.

Ngumiti lang siya bago niya ulit patakbuhin ang kotse niya.

••••••

Pagkarating namin ay agad kong tinanggal ang seatbelt tapos lumabas ako ng sasakyan! Pramis! Hindi ko na talaga kaya!

Sumuka ako sa tabi ng puno. Geez. Ampait ng lasa!

(Tabi-tabi po sa kumakain)

Pinunasan ko ang bibig ko.

"Sabi ko naman sa'yo! Tss. Ayan tuloy ang napala mo!," medyo mataas ang boses niya habang sinasabi niya ang mga yun sakin. Pero pansin ko parin ang pag-aalala sa boses niya.

"Eh..."

"Tss!," tapos pinitik niya ang noo ko.

"A-aray ko naman!," reklamo ko. Masakit e!

Magsasalita pa sana siya nang may tumawag sakin.

"Anak???!," napalingon kami pareho ni CJ kay mama.

Nanlalaki ang mata ni mama habang pabalik-balik ang tingin niya sakin at kay CJ.

May binulong pa si CJ na obvious namang hindi ko naintindihan. -_-

Napakunot ang noo ko kasi halatang gulat na gulat si mama.

Pero agad naman siyang lumapit samin at niyakap ako ng mahigpit to the point na hindi na ako makahinga!

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon