Enter 36: Usapang CHANCE

10.2K 458 9
                                    

[Klark's POV]

Tawa kami ng tawa ni CJ habang pabalik ng bahay. Kahit kaninang nasa daan kami, magkukulitan kami. Hehe.

Pagbukas ko ng pinto ay nanlaki ang mata namin pareho ni CJ.

"W-what are you doing here?," tanong ni CJ sa dalawa sabay turo pa sa kanila. Tumayo naman sila. Guess what sino ang nandito sa bahay ngayon! Sina Jerome at Brix!

Agad akong niyakap ni Jerome.

"I really miss you Klark! Hehe," sabi pa niya sakin pagkabitaw niya.

Tumingin ako kay Brix na nakakunot ang noo at pinanlakihan ng mata.

"Hehe. Actually, it was Jerome's idea. And besides, matagal-tagal na din akong hindi nakakabisita dito sa atin," sabi ni Brix.

Brix ano bang nasa isip mo? Bakit ang hirap mo ng basahin? Kaya ko nga hindi sinabk kay Jerome kung saan ako nakatira para hindi noya ako mapuntahan eh! Obvious namang inilalayo ko ang sarili ko kay Jerome. Pero since nandito na sila, anong magagawa natin diba?

Tumingin sakin si Jerome at ngumiti.

"Yeah. Gusto ko kasing makita ka! Hehe," sabi niya sabay kamot sa batok niya. I just sighed.

Tumango nalang ako. Sakto namang sumulpot si mama.

"Bakit ngayon lang kayo anak? Kanina pa na nandito sina Brix at itong si Jerome. Sabi ko naman sa inyo na bumalik kayo bago mag-alas singko ng hapon!," sermon samin ni mama.

"S-sorry po T-tita. Ako po ang may kasalanan," sabi ni CJ. Tumango lang si mama.

"Sige sige. O siya, Klark bumuli ka ng softdrinks," sabay bigay sakin ni mama ng pera.  Agad ko namang kinuha yun. Lalabas na sana ako nang magsalita ng sabay sina CJ at Jerome.

"Samahan na kita," sabay nilang sabi. Nagpapalit-palit naman ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nagkatingin sila at nagsamaan ng tingin. Okey...? Anong nangyayari sa dalawang 'to?

"Hehe. Wag na. Si Brix nalang ang sasama sakin," sabay hila ko kay Brix palabas ng bahay.

Nakahinga ako ng maluwag.

"Haba ng buhok mo Klark. Haha. Pagupit ka na! Abot hanggang Maynila eh," sabay ngisi niya sakin.

"Ano bang sinasabi mo diyan Brix? Hays! Bakit pa kayo pumunta dito? Obvious namang inilalayo ko ang sarili ko kay Jerome diba?," sabi ko sa kaniya.

I heard him took a deep sigh.

"Klark ano ka ba? Wala ng kaso sakin kung ikaw na talaga ang mahal niya. Wala na akong magagawa. Hindi ko naman hawak o kotrol ang  nararamdaman niya sayo eh. Masaya na ako kung masaya siya sa'yo," tapos nag-half smile siya sakin.

"Brix...," yun nalang ang nasabi ko.

"Klark, may pag-asa ba siya sa'yo o wala?," seryoso niyang tanong sakin. Napatigil naman ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya. Meron ba o wala?

"Ewan ko Brix...," mahinang sabi ko.

"Sabihin mo lang sa kaniya kung wala para hindi siya mapaasa. Klark mahal na mahal ka niya to the point na gagawin niya ang lahat mapasaya ka lang," hinawakan pa niya ako sa braso.

Marahan akong tumango.

"Oo Brix. Sasabihin ko sa kaniya. Pagbalik natin sa Academy, sasabihin ko na sa kaniya ma tumigil na siya sa pinaggagagawa niya sakin," sabi ko.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon