Enter 48: Another Unexpected

8.4K 358 26
                                    

[Klark's POV]

KYAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!! TOTOO BA 'TO? SABIHIN NIYO SAKIN! HINDI AKO NANAGINIP, DIBA? DIBA? SABIHIN NIYO SAKIN!

Kanina ko pa kinakalma sarili. Pero ayaw talaga! Aba, ikaw ba naman....nalaman mo nalang na mahal ka pala ng taong mahal mo! >////<

Hindi ko ito inaasahan!

"Mahal mo talaga ako?," and for the nth term! Kanina pa siya tanong ng tanong ng ganiyan! Jusko! At kanina pa pulang pula itong pagmumukha ko. Hindi ba siya aware dun? Nakakailang! O sadyang ako lang talaga ang naiilang?

"O-oo nga! Kanina ka pa tanong ng tanong. G-gusto mo bang bawiin ko?," sabi ko sa kaniya.

Isiniksik naman niya ang kaniyang mukha sa leeg ko. Sh*teng malupit!

"Wala namang ganyanan ZK. At tsaka, hindi lang kasi ako makapaniwala, ok?," natatawa niyang sabi.

"Ewan ko sayo," sabi ko pero napangiti din naman ako. Naramdaman kong pumulupot ang braso niya sa bewang ko. CJ bakit ka ganiyan? Sh*t. Kinikilig ako. Haha

"So, tayo na?," biglang tanong niya.

"Anong tayo na? May pupuntahan ba tayo?," taka kong tanong.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Tumingin siya sakin.

"Hindi ganun ang ibig kong sabihin ZK," sabi niya.

"Eh ano ba? Bigla bigla kang magtatanong kung tayo na---," bigla akong napatigil dahil sa wakas! Narealized ko na!

Bigla ko siyang tinulak pero mahina lang.

"Anong 'tayo na' ka diyan? Ligawan mo muna ako!," sabi ko.

Imbes na sagutin ako ay pinausog niya ako.

"Bakit ba?," tanong ko.

"Basta!," sabi niya kaya sinunod ko nalang ang sabi niya. Tapos bigla siya humiga at ginawang unan ang hita ko.

"Anong ginagawa mo?," tanong ko.

"Humihiga," sagot niya. Oo nga naman.

"So..."-CJ

"Huh?"

"Bakit hindi nalang kasi tayo na?," tanong niya.

"Kasi ligawan mo muna ako," sagot ko.

"Edi liligawan nalang kita araw-araw habang tayo na," sabi niya.

"Naku! Alam ko na ang mga linyahang yan CJ. Tapos ano? Kunwari naniwala ako. Syempre gagawin mo yung sinabi mo pero kapag magsasawa ka na....titigil ka na. Laos na yang mga yan," sabi ko sa kaniya habang tinatapik-tapik ko ang pisngi niya.

Tinignan niya ako ng seyoso tapos hinawakan niya ang kamay kong nasa pisngi niya saka niya ito pinagdikit ang kamay namin. And next? Our hands intertwined.

"ZK, do you trust me?," tanong niya.

Tumango ako at sumagot ng 'oo'.

"Then, let me prove to you that I love you and show to you how much I love you. Papatunayan ko sa'yo na totoo itong mga sinasabi ko. ZK, mahal na mahal kita," and there! Hindi ko mapigilang mamula sa ginawa niya. Hinalikan lang naman niya ang likod ng palad ko.

Ngumiti siya sakin. Hinawakan niya ako sa pisngi tapos unti-unti niyang inilalapit ang labi niya sa labi ko. I gulped. This is it! Magkaka-first kiss na ba ako?Malapit na. Konti nalang. Heto na.

Unti unti kong ipinikit ang mga mata ko.

Nararamdaman ko na yung malalim niyang paghinga. Magkakadikit na yung mga labi namin nang....

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon