Enter 37: Tingin

9.5K 388 25
                                    

[Klark's POV]

"Wake up sleepyhead!," rinig kong sabi ng kung sino. Inaantok pa ako!

"Gusto ko pang matulog!," reklamo ko. I heard him chuckles.

"You need to get up. It's already 9 in the morning," natatawa niyang sabi.

Agad akong napadilat at tumingin sa nanggising sakin. Naka-indian seat siya sa tabi ko.

"Inaantok pa ako," reklamo ko habang humihikab.

Pinitik niya ang noo ko.

"Bangon ka na diyan! Darating sina Brix mamaya. May pupuntahan daw tayo," sabi niya.

"Huh? Paano mo alam? Eh wala ka namang contact sa kanila?," tanong ko.

"Tumawag si Brix sa phone mo kanina. Tulog mantika ka eh kaya ako na sumagot," unbelievable!

Bumangon ako at umupo din pero agad kong binagsak ang katawan ko. Inaantok pa talaga ako. Eh kasi naman po! Siguro bandang ala una na kami nakatulog ni CJ! Nagmovie marathon pa kasi kaming dawala. Tatlong beses pa nga kaming sinita ni mama na matulog na kasi baka magising yung mga kapit-bahay. Pero alam niyo ginawa namin? Hininaan namin yun volume ^_^

Hinila ako ni CJ.

"CJ naman! Inaantok pa talaga ako! Hayaan mo muna akong matulog!," sabi ko.

"Hindi nga pwede! Darating mamaya sina Brix!," sabat naman niya.

"Sina Brix at Jerome lang naman yan! Gusto ko pang matulog!," sabi ko ulit. At ipinikit ko ulit ang mata ko. Ghad! Sobrang inaantok pa talaga ako.

"Kasama sina Jenny, Faye at err...yeah...that Marcus," agad akong napadilat.

"Anong sabi mo?"-Ako

"Walang ulitan sa bingi kaya bumangon ka na diyan. O baka naman gusto mo pang buhatin ka palabas ng kwarto mo?," nakangisi niyang tanong. Nanlaki ang mga mata ko kaya agad akong bumangon.

"Sabi ko nga babangon na ako," sabi ko. Natawa siya ng mahina.

"Good. Madali ka lang naman palang kausap," tapos nilapit niya ang muiha niya sakin. Juice colored. Umagang-umaga! Naamoy ko yung hininga niyang amoy tooth paste. Tinakpan ko ang mukha niya gamit ang palad ko.

"Wag mong ilapit yang mukha mo! Baka maamoy mo hininga ko! Hindi pa ako nakapagmumog," natatawa kong sabi. Inalis niya naman ang palad ko sa mukha niya habang tumatawa ng mahina.

"Haha. Sige na bangon ka na," tapos tinulungan niya akong tumayo. Lumabas na kami ng kwarto ko.

"Si mama?," tanong ko.

"Pumuntang palengke," sagot niya.

Napatango nalang ako at naghilamos.

Tinignan ko kung ano ang niluto ni mama. Pritong tilapia, itlog at ginisang corned beef. Sarap *Q*

Agad akong naupo at naglagay ng pagkain sa pinggan.

Susubo na sana ako nang umupo si CJ sa harapan. Nakakahiya. Ang laki pa naman ng nganga ko! Haha.

Dahan dahan kong sinubo ang kutsara na may kanin at corned beef. Nakakailang! Alam niyo ba yun? Nakakatingin kasi sakin. Nakapatong ang baba niya sa lamesa tapos nakatingin sakin! Ang cute niya! Klark! Magtigil ka baka mabulunan ka bigla!

"B-bakit ka ba nakatingin? At t-tsaka k-kumain ka na b-ba?," tanong ko habang nakatingin lang sa pagkain ko.

"Bakit? May nakalagay ba sa noo mo na 'bawal akong titigan! May multa' pero wala naman eh. And yes. Kumain na ako. Kanina pa," kahit na hindi ako nakatingin sa kaniya, alam kong nakangiti siya ngayon base sa boses niya.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon