Enter 72

4.1K 204 10
                                    

[Klark's POV]

Para akong nawalan ng lakas habang naglalakad palabas ng restaurant kung saan kami nag-usap ni Tito Rod.

[Flahback]

"T-Tito Rod... Ano pong k-kailangan niyo?," kinakabahan kong tanong sa kaniya.

Nakatingin siya sa akin ng seryoso.

"Maupo ka Klark. Iwan niyo muna kami," sagot at utos niya sa mga security guards niya.

Naupo ako sa tapat niya.

"Dederwtsuhin na kita Klark. Ayaw KITA sa ANAK KO!," bigla akong napayuko.

"Hiwalayan mo siya," bigla akong umiling.

"Hindi ko po kaya Tito. Mahal ko si CJ,", depensa ko.

Bigla siyang tunawa ng sarkastiko.

"Mahal? Naririnig mo ba yang sinasabi mo bata? Walang magagawa ang pagmamahal na 'yan!," hindi ko mapigilang magulat sa biglang pagsigaw niya.

"Ano nang ang sasabihin ng ibang kaibigan ko? Yung mga kamag-anak namin? Pinapahiya niyo lang ang pamilyang PARK! For Pete' s sake Klarm! Hiwalayan mo na ang anak ko"*
," dagdag pa niya.

"Pero T-Tito, hindi ko kayang----"

"Alam mo Klark, ayaw kita para sa anak ko. Anong kaya mong ibigay sa kaniya? Hindi hamak na isang mahirap ka lang! Makakaya mo bang bigyan ng anak ang anak ko? Hah?! At higit sa lahat! Hindi ko gustong may BAKLA sa pamya ko kaya hiwalayan mo na siya",  nagawapa niyang hampasin ang table kaya napakapit ako ng mabuti sa hawak kong bag.

"T-tito mahal ko s-siya--"

"Inuulit ko, walang magagawa yang p*ny*tang pagmamahal na yan!  Ayokong maligaw ng landas ang anak ko! Ano ba ang gusto mo? Pera?," napansin kong naglabas siya ng cheke (tama ba yung spelling?? 😂)

"Sapat na siguro 'to," sabi niya at inabot sa kin. Nalaki ang mata ko. Half million ang nakasulat dun pero umiling ako.

"Hindi nabibili ang pagmamahal ko sa kaniya Tito," may halos inis na sabi ko. Anong akala niya sa akin? Hindi ako ganun kung hindi siya aware.

"Maliit pa ba yan-" hindi ko na siya pinatapos at kinuha ang hawak niya at pinunit.

"Walang kahit anong bagay ang makapagpapalit sapagmamahal ko sa kaniya Tito. Kahit gaano pa kalaki yan, hinding hindi ko ipagpapalit yun," tumayo na ako at inayos ang bag ko.

"Aalis na po ako Tito," tumalikod na ako.

Hindi pa ako nakakahakbang nang magsalita ulit siya.

"Talaga ba Klark? Walang kahit anong bagay ang makapagpapalit sa pagmamahal mo sa kaniya kahit si Alice Anderson, ang nanay mo?," bigla akong napatigil at humarap sa kaniya.

"Huwag niyo pong idamay si Mama dito, Tito," kinakabahan kong sabi. Tumayo siya lumapit sa akin. Nakangisi pa siya.

"Well, sabihin nalang natin na kasali na siya kung...," napalunok ako nang ilapit niga ang bibig niya sa tenga ko.

"....kung hindi ka makikipaghiwalay sa anak ko," bulong niya.

Tapos inutusan na niya yung mga gwardiya niya na kunin yung gamit niya at umalis siya.

Naiwan akong tulala. At gulong gulo.

[End of Flashback]

Napabuntong hininga ulit ako.

Napatitig ako sa phone ko nang magring ito at tumatawag si CJ. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. Hanggang sa nawala yun. Pero sinagot ko nang tumawag siya ulit.

[Nasaan ka?]

"H-Huh?"

[Nasaan ka? Akala ko ba nasa library ka? Absent ka na. ZK naman! Bakit hindi ka nagpapaalam?]

"Ah k-kasi CJ....," bigla kong tinakpan ang bibig ko nang maiyak ako. Ayokong marinig niya na umiiyak ako.

[Hello ZK? Anong nagyari? Hello? Nasaan ka? Pupuntahan kita]

"H-huwag! Huwag na CJ. P-pabalik na ako. Huwag kang mag-alala"

[Hihintayin kita-]

"Wag na CJ"

[Pero - -]

"Okay na ako CJ. Don't worry. Sa dorm mo nalang ako hintayin. I love you]"

Narinig kong bumuntong hininga siya.

[F-fine. I love you too]

Wala sa sarili akong napangiti at bumuntong hininga.

"Papatayin ko na 'to"

[Okay. Mag-ingat ka]

*call ended*

-----------------

Pagdating ko sa dorm ay yakap agad ni CJ ang bumungad sa akin.

"Saan ka ba galing ha? Hindi ka man lang nagpapaalam. Alam mo bang inikot namin yung campus para lang mahanap ka?," ramdam ko ang pagkainis sa boses niya pero nangingibabaw ang pag-aalala.

"S-sorry"

Walang kahit anong bagay ang makapagpapalit sa pagmamahal mo sa kaniya kahit si Alice Anderson, ang nanay mo?

Walang kahit anong bagay ang makapagpapalit sa pagmamahal mo sa kaniya kahit si Alice Anderson, ang nanay mo?

Walang kahit anong bagay ang makapagpapalit sa pagmamahal mo sa kaniya kahit si Alice Anderson, ang nanay mo?

Bigla kong nabitawan ang pagkakayakap sa kaniya nang maalala ko yung sinabi ni Tito sa akin kahit. Hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko. Mahal na mahal ko si CJ---si mama, mas mahal ko siya.

------------------
A/N: Guys pasensiya na kung super late and super short ang update ngayon. Alam niyo naman diba? 😔 Sana maintindihan niyo. Salamat. Don't worry, babawi ako sa next chapter.

*unedited*

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon