Enter 41: Hindi Nakaya

8.8K 369 12
                                    

[Josh's POV]

Kainis! Sobrang nakakainis. Kasi naman! Basta nakakainis! Lalo na yung Marcus nayun! Pabida ang g*go.

Nandito na kami ngayon sa bahay ni Brix. Malaki naman ang bahay nila. Sa labas, kulay puti ang kulay ng pader. Ultimo bubong kulay puti.

"Klark naaalala mo pa nung unang beses tayong nag-sleepover dito sa bahay nila Brix," natatawa niyang sabi. Sino pa ba? Edi yung pabidang si Marcus! Habang ang isang pabida, ayun nagbe-bake ng cake kasama si Brix. Buti naman at wala yun dito baka mas lalo lang madagdagan ang inis ko.

Narinig kong tumawa si Klark pati narin ang dalawang babae.

"Oo naman. Hahahaha. Sobrang epic failed nun. Diba 4 AM na tayo natulog nun?," natatawang sabi ni Klark.

"Tama tama. Hahahaha. Tapos ikaw yung pinakamahirap gisingin sating lima. Kung hindi ko pa hinipan tenga mo, hindi ka pa magigising," edi ikaw na! Tss. Pabida.

"Heh! Eh sa kulang na kulang yung tulog natin eh. Biruin mo, isa't kalahating oras"-Klark

Edi kayo na! Kayo nalang ang mag-usap! Kunwari wala kami. Tinignan ko si Jenny na nakatingin sakin. Nakangisi siya sakin kaya napakunot ang noo ko. Lumipat siya at umupo sa tabi ko.

"Selos ka noh?," bulong niya.

Agad naman akong napatingin sa kaniya at bahagyang nakanganga ang bunganga ko.

"A-anong pinagsasabi mo?," kinakabahan kong tanong.

"Sus. Maang-maangan ka pa," sabat ng isa pang nsa tabi ko - si Faye.

"Ano bang pinagsasabi niyo diyan? Hindi ko kayo maintindihan," naiinis kong sabi.

"Yun," sagot nila sabay nguso sa dalawang nagatatawan na akala mo sila lang dalawa ang magkasama. Mas lalo akong nainis. Packing tape. Tapos bigla-bigla silang naghampasan ng unan. Kainis naman! Nakakakulo ng dugo ang view.

Nakakainis talaga! P*ksh*t.

Ayoko ko na!

Tumayo ako.

"Sa labas lang ako," cold kong sabi. Napatigil naman ang dalawa at napatingin sakin si ZK na nakakunot ang noo. Tss.

BAHALAKAYONGDALAWADIYAN! MAGSAMAKAYO! (¬_¬)

Agad na akong lumabas ng bahay.

Narinig ko pang nagsalita si Jenny ng 'sabi ko na eh. Haha'

Napag-isipan kong dumiretso sa garden nila.

•••••

[Klark's POV]

"Anong problema nun?," tanong ko sa dalawa. Sila kasi yung nag-uusap kanina.

Nagkibit-balikat silang dalawa pero nakangiti na parang ewan.

"Ano nga?," pangungulit ko sa dalawa.

"Aba malay ko," sabi ni Jenny tapos niyakap niya yung unan dun sa couch na inuupuan nila.

"Lika Jen, maghambalusan din tayo ng unan. Baka magwalk-out din," ngising sabi ni Faye sabay lingon sakin. O....key?

"Ayoko nga. Wala kang ka-originality," sabay hampas kay Faye.

"Wala palang ka-originality ah," sabi ni Faye tapos naghampasan na sila ng unan. Naman! Bakit feeling ko may parang may pinapatamaan ang dalawang lokaret na ito.

"Balakayojan," sabi ko sa kanila at umayos ng upo.

"What's with that face?," tanong ni Marcus.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon