Enter 67

4.5K 235 19
                                    

[Klark's POV]

Patuloy parin ako sa pag-iyak. Kasama ko ngayon si Jerome. Nakita niya kasi ako kanina na umiiyak dito sa garden. Ayoko sanang magkwento kaso sabi nga nila na mas maganda kung ilabas mo yung sama ng loob.

"Teka, narinig mo na ba yung paliwanag niya?," bigla akong napatigil sa pag-iyak at napatingin sa kaniya. Pinunasan ko ang luha ko pagkatapos ay tumango ay sumagot ng "oo".

"Oh yun naman pala eh. Bakit hindi mo pa pinatawad?," tanong niya kaya napasimangot akong tumingin sa ibang direksyon.

"Anong sense pa ng pagpapatawad sa kaniya kung kitang kita naman yung ebidensiya?"-Ako

"Ang ibig mong sabihin, hindi mo siya patatawarin?"

"H-hindi naman sa ganun. G-gusto ko lang kasi--"

"Hahayaan mong magtagal yang sama ng loob mo sa kaniya?"

Hindi pa ako nakakasagot nang magsalita ulit siya.

"Alam mo Klark, hindi ko man kilala-kilala si Josh, alam ko at mas lalong alam mo na mahal na mahal ka niya. At kung ano man ang nagawa niyang mali, alam kong may nagawa siya. Sandali nga, ano ba yung nagawa niya?," then he asked.

I sighed. Ang bigat ng pakiramdam ko kapag naiisip ko yun. Lalo na yung paghalik sa kaniya ng babae.

"Nakita ko siyang hinalikan ng babae," agad akong napatingin kay Jerome nang magreact siya ng 'woah'

"Ibig sabihin, hindi siya ang humalik, tama?," tumango ako.

"Yun naman pala eh-"

"Pero may bakas ng lipstick sa leeg niya," pagpuputol ko sa sinabi niya.

"Ano?! Are you serious?," gulat niyang tanong.

"Mukha ba akong nagbibiro?," inis kong tanong pabalik.

"But then....sinabi niya na plinano daw ng babaeng yun," napakunot ang noo niya.

"Okay...?," halata naman sa mukha niya na naguguluhan siya eh.

I heard him sighed.

"I get it. Hindi ka naniwala sa sinabi niya. Ganito, sabihin na nating hindi mo 'pa' kayang paniwalaan ang sinabi niya. But let me revised my question while ago, kailan ka-," hindi ko na siya pinatapos.

"Hindi ko na alam ang gagawin Jerome...," sabi ko at napabuntong hininga.

Tinapik niya ako sa balikat.

"Alam mo Klarl, may mali ka rin naman.Naiintindihan ko naman yung side mo kaso parang may part na nagkamali ka at yung ang hindi mo siya pinaniwalaan. Bakit hindi mo tanungin yun babae? Pero sino nga namang tao ang aamin sa sarili niyang kasalanan-"

"Yun na nga Jerome!," giit ko.

"Ang akin lang Klark, dapat hindi mo siya ginanun. Dapat kinausap mo siya ng maayos," napailing ako at bahagyang napatawa.

Tumayo ako.

"Aalis na lang ako Jerome. Salamat sa pakikinig," sabi ko. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko na siya pinakinggan.

Namalayan ko nalang na sa dorm pala ako nagpunta.

Agad akong naupo. Pero hindi ko maintindihan sarili ko at bigla akong tumayo tsaka lumabas ng dorm.

•••••••••||

Palabas na ako ng Academy nang may tumawag sa pangalan ko.

"Zhane Klark Anderson?," agad akong lumingon sa tumawag sa akin.

Agad na nagbago ang mood ko. Mas lalo akong nainis. Anong ginagawa ng babaeng 'to dito? Ang kapal ng mukha! Alam niyo kung sino? Sino pa ba? Eh di yung babaeng humalik sa boyfriend ko! Talagang mag-iinit ang ulo mo! Ugh!

"Anong ginagawa mo dito?," irita kong tanong sa kaniya.

"Uhm...," agad na tumaas ang kilay ko. I crossed my arms.

"Ano? May sasabihin ka ba?," sabi ko na parang nagmamadali. Di ko na kasi kayang makita pa ang pagmumukha niya dahil mas lalong nag-iinit ang ulo ko.

Nang hindi ako makatanggap ng kahit anong response mula sa kaniya at nakayuko lang siya habang pinaglalaruan ang maliit na bato sa paanan niya.

Agad na akong tumalikod sa kaniya.

"You are wasting my time-"

"Sorry Klark. Walang kasalanan ang boyfriend mo. Plano lang ang lahat," agad akong humarap ulit sa kaniya.

"A-ano?," bakas sa mukha ko ang pagkabigla. Ibig sabihin...

"Pasensiya na talaga. Alam kong ang kapal ng mukha ko para humingi ng tawad sa'yo. Akala ko kasi kapag nakitang mag-away kayo, sasaya ako. Aaminin ko gustong gusto ko si Christian pero hindi naman gagawin yun kung-," pinutol ko siya dahil alam ko na ang kasunod.

"Kung walang nag-utos? Ganun ba yun? Ha? Sabihin mo! Sino ang nag-utos sa'yo?," hindi ko na napigilan kaya hinawakn ko siya sa magkabilang balikat.

"A-ako Klark. Ako ang pakana ng lahat," binitiwan ko ang ang babae at tumingin kay Jona na ngayon ay nakatingin sa akin.

"A-ano?"-Ako

T*ng*na!

"Klark, sobrang tanga ko dahil sa sobrang galit ko, nagawa ko yun sa inyo ni Josh. Napalaki ng kasalanang naidulot ko sa relasyon niyo. Kanina, bago ako pumunta rito. Umiiyak siyang umuwi. At sa puntong yun, napagtanto ko na sa'yo lang siya mas sasaya. At kahit anong pilit kong ipagsiksikan ang sarili ko, hindi ko siya mapapasaya tulad ng kung paano mo siya mapasaya  sa simpleng bagay lang. Kaya Klark, kahit huwag mo akong patawarin, basta makipag-ayos ka sa Klark," hinawakan pa ako sa magkabilang braso habang nagmamakaawa.

Magsisinungaling lang ako kapag hindi ko sinabing na-touch sa sinabi niya.

Pinusan ko ang nagbabadiyang luha na tutulo sa pisngi ko.

"Sige," sabi ko at tumango.

"Klark! Sakay na. Hatid na kita," napalingon ako. Si Jerome pala yun. Bigla akong na-guilty sa ginawa ko sa kaniya kaso...ugh!

Agad na akong sumakay sa kotse niya.

••••••••||

[Josh's POV]

Agad kong ininom ang beer na nasa hawak hawak ko. Dalawang bote palang naman ang nainom ko kaya hindi pa ako lasing.

Biglang pumasok ulit yung nakita ko kanina. Bullsh*t!

Ituitungga ko pa sana ulit yung beer nang may biglang yumakap sa mula sa leeg ko.

Agad akong napangiti. Amoy palang, kilalang kilala ko na.

"Love sorry hindi kita agad pinaniwalaan," sabi niya at naramdaman kong nabasa na ang damit ko kung saan nakapatong ang mukha niya. Paulit ulit niyang sinasabi ang salitang 'sorry'

Inalis ko ang braso sa leeg ko pagkatapos ay tumayo ako at saka siya hinila para yakapin. Niyakap din naman niya ako pabalik kaya mas lalo akong napagiti.

"Hindi ka na ba galit?,” tanong niya sa akin. Tinignan ko siya.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan sa'yo?," pabalik kong tanong.

Umiling siya.

"Ako yung nagkamali kaya ikaw dapat ang magalit," sabi niya.

"Hindi na mahalaga kung sino ang dapat magalit. Ang importante, okay na tayo diba?," tumango siya kaya naman hinalikan ko siya sa labi. Hinalikan naman niya ako pabalik.

"Mahal kita"-Love

"I love you more," sabi ko at hinalikan siya ulit.

•••••••••••||
A/N: Ayan nag-update ako kahit masakit kamay ko. Anywau, hope you enjoyed reading :*

*unedited*

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon