Epilogue

10K 349 42
                                    

[Third Person's POV]

Isang buwan na ang nakalipas nang magising si Josh at medyo maayos na siya. Medyo nakakalakad na rin siya.

Nung nagising siya. Isang tao lang ang gusto niyang makita. Ang taong gusto niyang makasama, ang taong mahal na mahal niya. Kaso wala siyang magawa dahil mahina pa siya.

Kaarawan na niya sa susunod na linggo. Wala siyang plano. Ang nagpaplano lang ay ang Mom niya at ang kuya niya- si Cristopher.

"Josh, what if-," hindi na naipagpatuloy ni Christopher ang sinasabi niya dahil pinutol siya ni Josh.

"Sabi ko na ngang wala akong balak magcelebrate ng birthday diba?," walang emosyong sabi ni Josh. Tumayo siya at pumunta sa kwarto niya. Simula rin nung magising siya, hindi na niya maramdaman ang saya dahil wala na ang dahilan ng saya niya.

Mula sa isang sulok ay nakatayo ang kaniyang Dad. Napabuntong hininga siya. Oo, aminado siya na siya talaga ang may kasalanan. Hindi yun mangyayari kung hindi siya nangialam.

Sa kabilang banda, nakahalumbaba lang si Klark sa bintana ng kwarto niya. Masaya siya dahil tinupad ni Rod ang pangako niya na wag ng idadamay ang mama niya. Kaso, mas matindi ang kalungkutan na nararamdaman niya.

"Kamusta ba kaya siya?"

"Gising na kaya siya?"

"Masaya kaya siya?"

"Siguro masaya na siya"

"Sana nakahanap na siya ng taong tanggap siya ni Tito Rod"

Mula sa malalim na pag-iisip ay napangiti siya ng mapait.

Kinatok siya ng mama niya.

"Anak? Nandito sina Marcus," rinig na sabi ng mama niya.

Tumayo siya at binuksan ang pintuan. Nakita niya sina Faye at Marcus na magkahawak kamay habang nakaupo naman si Jenny na akala mo sa kaniya ang bahay dahil feel at home na feel at home.

"Anong meron?," tanong niya sa tatlo.

"Well, mamamasyal kami baka gusto mong sumama?" - si Jenny na ang sumagot dahil busy ang dalawa sa paglalambingan. Pagdating niya sa lugar nila ay nalaman niya na magboyfriend na sina Faye at Marcus.

"Kayo nalang siguro. Wala ako sa mood," sabi ni Klark.

"Ano ba yan Klark. Kailangan mo ring magliwaliw. Namamayat ka na oh. Para ka na ring zombie dahil sa laki ng eyebags mo" - Faye

"Naaawa ka ba sa akin o nanlalait ka?," sarkastikong tanong ni Klark.

"Pwede both? Haha. Tara na kasi," pagpupumilit ni Faye. Napabuntong hininga siya. Tama naman si Faye eh. Kailangan niyang magliwaliw paminsan minsan. At malaki na talaga ang kaniyang eyebags dahil sa palaging puyat. Lagi niya kasing iniisip ang taong mahal niya.

" Oo na. Hintayin niyo nalang ako, magpapalit lang ako"

°°°°°°°°°°°°°°°°°

Paglabas niya ay hindi sina Marcus ang nakita niya. Ibang tao.

"T-Tito Rod? Anong ginagawa mo rito?"

Oo, ang ama ni Josha ng nasa harapan niya ngayon.

°°°°°°°°°°°°°°°°°

[Josh's POV]

Isang buwan na simula nang magising ako. Sana hindi nalang ako nagising. Para saan pa diba? Wala ng saysay. Hindi ko na nga alam kung paano maging masaya eh. Araw araw akong umiiyak dahil sa pangungulila ko sa kaniya. Isang beses na akong nagtangkang magpakamatay dahil hindi ko na kaya ang sakit.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon