[Klark's POV]
Madami kaming ginawa ngayong araw at kahapon. Pangalawang araw na naming ngayon dito. Nakakapagod nga eh. Kung hindi lang dagdag grades hindi na ako sumali.
Maraming ipinagawa samin sina Ms Bianca. Nandun yung paramihan ng makikitang flags sa buong resort. (Ang lawak kasi)
Si CJ ang nanalo. Kainis nga eh! Naligaw pa ako dahil sa lawak at laki ng resort. Buti nalang talaga nakasalubong ko si Jerome.
Ang ngayon (at gabi na) pinalibutan namin ang malaking camp fire habang kumakanta ang sina Bob at Henry. Remember Henry? Teammate ko siya habang si Bob ay teammates nina CJ. Actually, in a relationship sila. Yhup, tama kayo ng basa. IN A RELATIONSHIP SILA. Capslock para feels. Haha...
Ngayon ko lang nalaman na open pala ang ganun relationship sa Aeden. Wala naman daw tutol ang teachers at si Tita Aubrey basta daw sundin nila ang mga rules.
Kinakanta nina Henry ay Thounsand Miles. Nakalimutan kong kaninong kanta yun. Basta magundo yun. Naging favorite song ko nga yun dati.
Anyway, katabi ko si Brix sa bandang kanan na walang imik kaninang umaga pa. Habang si CJ ay medyo malayo siya sakin. At si Jerome ay nasa tabi ko rin.
Nakangiti siya ngayon. Yung ngiting inlababo..?
Pagkatapos na kumanta sina Henry ay tumayo si coach.
"Listen everyone. Since ito na ang huling gabi natin dito sa resort, let's have a confession with a twist. It's called a TWO MINUTES CONFESSION. Madali lang ang mechanics ng game. First, introduce yourself then bahala ka na kung ano ang gusto mong sabihin, basta yung mga bagay na hindi pa alam ng karamihan, maari din kayong magsabi ng problema dahil nandito lang kami ni Ms Bianca para makinig at tulungan kayo. Ano payag kayo? ," mahabang paliwanag ni Coach at pumayag kami sa sinabi niya.
"Sige sige coach. Gusto ko yan!," masayang sabi ni Geoff.
"Okey then, we'll start with you," saby turo niya kay Geoff mismo. Napanganga naman siya agad.
"Huwat? Are you serious Coach? Bakit ako? Bakit hindi nalang si Pres??," sabay baling niya kay Jerome.
"Bakit siya? Eh ikaw gusto kong mauna! Ano? Aangal ka?"-Coach.
Sumimangot si Geoff tsaka siya nagmake face.
"Tss. Fine fine! Hayst. Since ang ganda ko, ang ganda-ganda ko at napakaganda ko at sobrang ganda-ganda ko, ako na mauuna na!," tapos nagkunwari pa siyang nagflip hair.
"Aray ko naman Cris!," reklamo ni Geoff sa katabi niya-siya din yung katabi niya sa bus. Binatukan niya kasi Geoff.
"Magsimula ka na nga. Kairita ka!," umirap lang si Geoff kay Cris.
"Okey. Your two minutes confession start now"- Ms Bianca.
"Hi everyone. I'm Geoff Estrada. Kilala niyo na ako bilang isang baliw na bakla o gay o bayot basta ganun. I'm a certified gay. Ganun. Haha. Hmmm.. Ano ba ang bagay hindi alam ng karamihan? Marami eh. Maraming bagay na hindi niyo alam. Nung bata ako, hindi naman talaga ako ganito. In fact, lalaking lalaki ako noong panahong yun. Pero nung grade six ako. May nakilala akong bagong lipat sa lugar namin. Gwapo siya, cute, mabait at magalang at hindi lang yun, maaasahan palagi. Naging magkaibigan kami. Yung nga lang, hindi ko alam ang tunay niyang pangalan. Ang tanging sinabi niya lang na pangalan niya ay C. Nakakatawa nga kasi letra lang yung sinabi niyang pangalan. Pero hindi ko na inintindi.....," tapos tumawa siya.
"Pagkatapos ng ilang buwan na lagi kaming naglalaro, magkasama, gumagawa ng kalokohan at marami pa na karamiwang ginawa ng isang inosenteng bata. Pero isang araw, nagising nalang ako na may iba na akong nararamdaman sa kaniya. Aminado akong lalaki ako pero alam na alam ko kung ano ang nararamdaman ko sa kaniya. Doon ko din narealize na mahal ko siya kahit lalaki ako! Oo lalaki! Yan yung sinasabi ko sa sarili ko noon. Pero hindi ko mapigilan at maitangging mahal ko siya....," yumuko siya. Napansin naming pinahid niya ang luhang nagbabadyang kumawala sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Entering All Boys' School (boyxboy)
Teen FictionA boy named Zhane Klark Anderson. A certified bisexual. But don't judge a book by it's cover. And one day.... He entered an all boys' school. What will happen to him? ••••| This is story between two men with a twist. If you don't want this story, y...