Enter 14: He's Mine/Ice Cream

14.1K 699 16
                                    

[Klark's POV]

"Aalis na po kami Tita," paalam ko kay Tita Aubrey.

"Ingat kayo ha," paalala naman niya samin.

"Oo naman po," tapos yumuko ako ng konti.

"Bye Bebe Alice," paalam ko kay Alice.

"Bye Kuya Klark. Bye kuya Josh"-Alice

Tapos hinalikan niya kami pareho ni Josh.

"Ang sweet talaga ng baby ko," ngiting sabi ni tita Aubrey.

Ngumiti din ako sa kaniya.

"Let's go," rinig kong sabi ni Josh.

Sumunod na ako sa kotse niya.

Agad naman niyang pinaandar at pinatakbo ang kotse niya.

"Ahm..servant...about kanina sa pool...," rinig kong sabi niya kaya napalingon ako sa kaniya. Tutok ang paningin niya sa daan.

"Huh?"-Ako

"About sa pool kanina. Yung sinabi ni Alice at yung ginagawa niya kanina...," ramdam ko yung awkward atmosphere.

"Nah. Natutuwa nga ako eh. Wala kasi akong kapatid," sabi ko sa kaniya.

May binulong siya kaya hindi ko naintindihan yung sinabi niya.

"Huh? May sinasabi ko?," tanong kl sa kaniya.

Tumingin siya ng bahagya sakin tapos tinaasan ako ng kilay.

"Sungit naman neto," bulong ko. Kaso nga lang narinig niya.

"I heard that!," ang unfair! May special skills ba siya? Naririnig niya yung binubulong ko?

"Hehe. Nagbibiro lang naman ako. Ang bait bait mo kaya," sarkastiko kong sabi.

Narinig ko ang pag-'tss' niya.

Tumingin ako nalang ako sa daan pero napansin kong hindi ito ang daang pauwi sa Aeden Academy.

"Teka...saan tayo pupunta? Akala ko ba uuwi na tayo?," tanong ko.

"May sinabi ba akong uuwi na tayo?," tanong niya sakin pabalik.

"Huh? D-diba...," aish! Akala ko uuwi na kami? At tsaka anong oras na?

Hanggang sa naramdaman kong tumigil ang kotse. At napansin kong nasa park kami.

Wait..this park seems so familiar.

Parang nakita ko na 'to dati.

Yung fountain sa pinakagitna, yung mga children's playground, yung mga maliliwanag na street lights na nakapalibot sa park para maging maliwanag

Ewan ko pero biglang bumilis ang tibok ng puso. At may biglang nagflash na imahe sa utak.

Dalawang bata na naghahabulan... Alam kong ako yung isang bata pero hindi ko makilala ang isang bata dahil blurred ito. Damn! Ito yung panaginip ko nung nakaraang araw! Bakit parang...parang toto-

Natigil ang pag-iisip ko nang marinig ko ang malakas na boses ni Josh.

"Kailangan ko pang sumigaw para lang pabalikin ka sa katawang lupa mo? Tss," sabi niya.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon