Enter 59: When Jona came into the Picture

5.7K 288 22
                                    

[Klark's POV]

Nandito kami ngayon sa airport habang hinihintay namin ang 'asungot' na sinasabi ni CJ.

Busy parin si Alice sa paglalaro sa iPad niya.

"Kuya, why so tagal naman ni asungot?," natawa kaming dalawa ni CJ. Narinig niya pala yung usapan namin kanina.

Magsasalita pa sana si CJ nang may tumawag sa kaniya.

"Christian!!! Kyaaah! Sweetheart!," napalingon kami dun. Isang babaeng maganda. Well, totoo yun pero hindi maganda ang kutob ko dito sa babaeng 'to.

Binitiwan niya ang kaniyang dalawang maleta at tumakbo papalapit sa amin, mali. Papalapit kay CJ.

"Waaaahh! Sweetheart! I really missed you na talaga!," sabi pa niya at niyakap niya si CJ.

Agad na napataas ang kilay. Sino 'tong babaeng 'to? Lakas makatawag ng 'sweetheart' sa 'BOYFRIEND' ko. Si asungot na siguro 'to.

"Hey! What are you doing to my kuya? Get off him! Kuya Klark is watching you! And besides, I don't know you. And stop calling him sweetheart!," ganyan bebe Alice! Pero syempre joke.

Tinignan ko si CJ ng masama. Tinulak niya si asungot.

"Ouch naman sweethea-"

"I said, stop calling him sweetheart! Who are you by the way?," tinaasan pa ni bebe Alice si asungot ng kilay. Aba. May pagkamaldita pala itong si bebe Alice.

"I'm Jona Montenegro. Your-future-sister-in-law," Watdahekgkakdmgkss

Anong pinagsasabi niyang future future? Baliin ko buto ne'to eh!

"What are saying Jona? Psh. Anyway, this is Klark, my boyfriend and future-husband," nawala ang inis ko nang marinig ko yun.

Hinawakan pa niya ako sa kamay.

"Psh. Whatever! Anyway, sabi ni tito, sa bahay niyo muna daw ako mag-i-stay," okay...? Wala akong maintindihan.

"Do what you want," sabi ni CJ sa Jona na yun.

Jona rolled her eyes.

"Ikaw," sabay turo sakin.

"Kunin mo yung bagahe ko," utos niya sa akin. I rolled my eyes mentally. Pasalamat siya, bisita siya nina CJ.

Kukunin ko na sana yung mga bagahe niya nang pigilan ako ni CJ.

"Ako na," sabi niya sa akin.

"Pumasok ka na sa kotse. Ako ng bahala," dagdag pa niya. Nginitian ko siya bago ko sinunod ang sabi niya.

Naglakad na ako at lumapit kay Alice

"Bebe Alice, tara na," tapos binuhat ko siya.

Nakita kong nakatayo si Jona sa tapat ng kotse ni CJ na inip na inip na. Psh. Bakit hindi nalang siya pumasok? O kiya mag-commute nalang?

Binuksan ko yung back seat at pinaupo dun si Alice. Tsaka bubuksan ko na sana yung pintuan ng passenger's seat nang unahan ako ni Jona. Napaatras pa ako dahil dun.

"Dun ka sa back seat. Hindi ka bagay dito sa seat na'to," tapos nag-flip hair pa siya sakin. Umupo na siya dun. Wala na akong choice kundi ang umupo sa back seat.

“Bakit ka diyan naka-upo?,” nakakunot na tanong sa akin ni CJ nang umupo siya sa driver's seat.

"Duhh! Dapat diyan siya noh,” maarteng komento ni Jona.

Entering All Boys' School (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon