~*~ Love Will Remember 48 ~*~

13 0 0
                                    

Recap:

‘mom, dad, pumunta tayo sa states.’

Yohann’s Pov

‘anoo??!!’

Napatingin kami nina dad at mom kay ate Daniella sa pag sigaw nya, nakita ko sa mga mata ang pamumuo na luha nya.

‘I said let’s go to the states.’

‘but Yohann---‘

‘ate, narinig mo naman diba ang sinabe ng doctor. Kelangan ko pumunta ng states para mag pa-opera ako diba?’

Hindi na sumagot si ate at lumabas sya ng kwarto. Oo masakit. Masakit na umalis dito sa pilipinas. Pero mas masakit ang ginawa sakin ni Summer. Pinag mukha nya akong g*go? Yun pala arranged pala sya sa tarantadong Lance na yon?! P*nyeta sila ! mga manloloko ! oo galit ang nararamdaman ko ngayon ! galit !

‘okay, aasikasuhin na namin ang visa nyo ni ate Daniella nyo.’- dad.

Umalis sina mom at dad. Ako na naman ang mag-isa. Biglang pumasok si ate Stella.

‘hi Yohann.’

‘hi.’

‘psh, tipid sumagot ah?’

Ano ba’to? Mangiinis lang ba ‘to?

‘pwede ka ng umalis kung mang iinis ka lang ! peste !’ sigaw ko kay Stella. Kung tutuusin alam kong peke ang mga ngiti nya. Pinipilit nya lang.

‘wag ka ngang plastik !’-ako.

‘bakit naman ako magiging plastik ? ha?’

Ang kalma ng boses nya kaya alam kong peke lang yon. Pinipilit nya lang talaga.

‘yang mga ngiti mo ! peke ! sabihin mo na nga yung gusto mong sabihin ! letche !’ ngumiti sakin si Stella ng warm smile. At hinawakan ang braso ko.

‘alam mo Yohann kahit minsan ang sungit mo sakin kilala mo pa rina ng pagkatao ko....’ nag karoon ng onting katahimikan sa kwarto, tumingin sakin si Stella na kita ko ang pag patak ng luha sa mga mata nya.

 ‘Yohann. You’re growing up. You know what love is...... Yohann, eto ang mapapayo ko sayo ha? Wag mong uunahin ang galit sa puso mo. Wag mong isasara ang puso mo Yohann...’ hinawakan ni Stella yung mukha ko at umiiyak na nga sya.

‘wag ka ngang umiyak dyan ! hindi pa ako patay ! tsaka sasama ka naman sa states ah?’ hinampas nya ako at sinabunutan pero hindi naman malakas yung sabunot nya.

‘YAH ! hindi ka mamamatay  noh ! g*ga ! kaasar ! hindi kami makakasama ni ate Daniella sa inyo ni tito. Napag desisyonan namin ni ate na wag sumama sa inyo.’

Ano daw?

‘Yohann, pag balik mo dito sa pilipinas. Tandaan mo ha? May babalikan ka dito. Hindi lang kami, tandaan mo yan.’ Tumayo na sya at hinalikan ang noo ko at umalis na ng kwarto..

First time ko naramdaman kay Stella ang bilang nakakatandang pinsan. Pero sino naman ang babalikan ko dito sa pilipinas? Si Summer? Hah ! mag sama sila nung h*yop na yon !

~~~~~~~~

Summer’s Pov

Gusto ko sabihin lahat kay Yohann, gusto ko ipaliwanag. Bumaba ako ng kwarto at aalis ng bahay para pumunta ng ospital.

‘Summer, where are you going?’

‘mom, I need to go to hospital. Eexplain ko kay----‘

‘kay Yohann? Go anak, pumunta ka, explain everything. Alam kong mahal mo sya. Go.’ Tapos hinalikan ako ni mom sa noo. At umalis na ako.

Pag punta ko ng ospital nakita ako ni Kevin at Charlotte dadalaw ata sila kay Yohann, then sinabe ko sa kanila about dun sa arranged marriage at nagulat sila dalawa. Tumakbo na kami kasi kelangan ko sabihin kay Yohann ang lahat. Pag pasok namin sa kwarto nya. Walang gamit, at wala ring tao. Napatingin ako kina Kevin at Charlotte nakita kong ang gulat sa mga mata nila.

Tumakbo kami nina Kevin at Charlotte sa nurse station. Nasan si Yohann? May sasabihin ako sa kanya. Hindi sya pwedeng mawala.

‘nurse nasan yung pasyente sa room 203?’ namamawis na yung mga palad ko sa kaba, hinahagod ni Charlotte yung likod ko, kasi nakikita nya na kinakabahan ako.

‘ay umalis na po. Ngayon po ang flight nila.’

Napatingin ako kina Kevin at Charlotte tapos tumingin kami ulit sa nurse.

‘flight ??!!’

Anong flight ? hindi ko maintindihan, napaupo ako sa sahig at umiyak. Iniwan nya ako ?

‘ms, ano po flight ang sinasabe nyo?’ si Kevin na ang nag tanong, dahil hindi ko na kaya mag tanong pa.

‘pupunta po ng states ang pasyente, para po mag pa-opera.’ Walang nababanggit sakin si Yohann, bakit nya ako iniwan? May saasabihin pa ako sa kanyang importante. Iyak na ako ng iyak. Ang sakit sakit. Bakit ganito? Bakit nya ako iniwan?

-------------------

A/n: eto na po. two chapters na lang ang natitira !

Vote

and

Fan

~ Love Will Remember ~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon