# 2

9 2 0
                                    

# 2

[Kath's]

"Seryoso ba yan? Dapat pala sinamahan na kita! T*ena edi dapat nakabonding ko si Anna." sigaw ni Harry. Crush na crush kasi si Anna kaya ganyan yan.

"Tapos as in totoo din ba yung tungkol sa panyo friend? Tae! ANG SWERTE MO!" sigaw pa ni Jade sakin.

"GUYS ANO BA! DI AKO BINGI OKAY? Makasigaw kayo parang isang bundok pagitan natin. Nakakainis. Oo nakasama ko si Anna tapos tinulungan pa niya ko. Ang bait niya nga e. Syempre tinreat ko rin siya ng frappe para man lang makabawi ako sa kabutihang loob niya sakin. AT oo!! Inabot din sakin ni Paul yung panyo! Okay na ba kayo?"

"Buti nalang pala at nakita ka ni Ma'am Jas na di nasunod sa steps. May essence din pala kalakihan ng mata niya." ani Harry. Napakasama talaga ng ugali ng lalaking to.

Iniwan rin naman ako ng dalawang mokong kasi si Harry busy sa Tennis, varsity kasi siya don. Tapos si Jade naman, busy sa Mathematics Club. President kasi siya don tapos magtatayo daw sila ng booth for Intrams. Malapit na nga din kasi yung Intrams namin kaya may pa-Field Demo kami.

At ako, eto nakatengga sa room at walang ibang magawa.

Ngayon nagsisisi na ko kung bakit di ako sumali dati sa mga clubs. Ang boring tuloy.

Wala naman akong magawa kundi magbasa lang ng novel tas makinig ng music.

Ang boring talaga. Sobra.

Sa pagbuklat ko ng next page ng book, nakita ko may nakasingit.

Petal.

Tanda ko ito yung ginagawa kong bookmark dati.

Nandito pa pala to. Pinitas ko to sa flower ni Mommy dati e.

Nung dumalaw ako sa puntod niya.

Yes, matagal na kasing patay si Mommy. Siguro mga 6 years na rin. Basta Grade 7 ako noon.

Sa isang car accident.

May nakabangga kasi sa kanya before. Nabangga siya nung pauwi siya from work. Si Mommy kasi sobrang hardworking. Siya lang din kasi yung nakakapaghanapbuhay samin kasi nga, hiwalay sila ni Dad na never kong nakilala. And dahil don, nagkaroon ng internal hemorrhage kaya ayun. Na-coma siya and nabaon kami sa utang. Hanggang sa hindi na rin niya nakayanan. And bumigay na siya. Wala kaming nagawa ni Kuya kundi ibenta lahat ng mga ari-arian ni Mommy kasi, kulang na kulang yung bayad para sa hospital bills na naiwan niya. But still, hindi mababayaran ng pera lahat ng hirap na napagdaanan ni Mommy.

Kaya sobra akong nagagalit dun sa nakabunggo sa kanya kasi, hindi man lang siya naawa kay Mom. Nabunggo na nga niya, iniwan niya pa. Namatay si Mom na hindi niya nakukuha yung hustisya na dapat para sa kanya.

Kaya naiinis ako. And I will do everything para mahanap yung taong pumatay sa kanya. I'll make his life even miserable.

But anyways, bago pa maging mala-Ma'am Charo na mapupunta sa SOCO ang kwentuhan natin, napagdesisyunan ko nalang na maggala-gala sa school. Sobrang busy grabe. Like ako lang ba talaga walang ginagawa?

Kinuha ko lang naman din na event sa Intrams ay Football. Syempre inspired by Paul!

Swear natututo talaga ako sa panunuod lang sa kanya. Minsan din kasi hindi siya naggogoal keep, siya rin yung tagasipa minsan.

Kaya ayun, kakastalk ko sa kanya natututo ako.

Nakatambay lang din ako sa hut dito sa ilalim ng Acacia Tree.

Good thing naglalaro rin ng football yung mga varsity kaya naman may mga bola din dito.

At dahil wala akong magawa, tinoss ko lang ng tinoss yung mga bola. Marunong rin ako ng mga exhibitions ek ek sa football.

Malaya [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon