# 18

3 1 0
                                    

# 18

[Kath's]

Dalawang linggo ang nakalipas after nung treat samin ni Bryan.

Nakalampas na rin yung laro nila Paul and sad to say, nag-First Runner-up lang sila.

And kami ni Bryan? Eto closer than ever.

Paano ba naman kasi, mukhang nagkakamabutihan na sina Jade at Harry. Si Anna naman, busy sa student council.

At ako? Medyo nagiging busy na din gawa ng mga paggawa-gawa ko ng covers together with Band Age.

Hindi ko nga alam kung kabilang na ba talaga ako sa grupo kasi minsan, nakakasama na din ako sa gig nila sa iba-ibang event's place around.

And as in, mukha na ngang si Bryan ang manager ko e.

Ngayon, nasa cafeteria kaming apat nila Jade, Harry, at Bryan. Nakiki-Third-Wheel kami ni Bryan sa mga mahaharot.

Puñeta. Ay bitter?

I must say, nakakamiss nga din talaga si Paul.

Ilang araw ko na din kasi siyang hindi nakikita.

Nakakachat sa Messenger, oo. Nakakamusta pero aalis din agad kasi nga pagod or di kaya may training. Kahapon lang kasi natapos yung laban nila.

Maya-maya, may tumawag sa akin. Si Kuya.

"Oh hello kuya? Napatawag ka?"

"K-Kath, umuwi ka ng bahay."

Bigla akong kinabahan sa tono ng boses ni Kuya. Para kasing may nangyaring kung ano.

"Bakit naman? May nangyari ba?"

"K-Kath, may lumabas na testigo. May lumabas na testigo after 6 years."

What? Wait. Patungkol ba to sa pagkamatay ni Mommy?

"About kay Mom? Kuya akala ko ba tapos na 'to?"

"Oo nga Kath, tapos na to. And I know na ayaw na ni Mom na namomroblema tayo. But Kath! May lumabas na testigo. And we can continue finding evidences and leads kung sino ang nakabunggo kay Mom!"

Hindi ko alam pero bigla akong nabuhayan ng loob.

At last, yung kasong akala kong naibaon na sa limot, hindi pa pala.

"Guys, something came up sa bahay. Uuna na ko ha. Wala na namang klase." sabi ko.

"Wait sasamahan na kita Kath. Para mapabilis ka." aya naman ni Bryan.

Um-oo nalang ako.

Nga pala, hindi ko naikwento, nakailang dalaw narin yang si Bryan sa bahay sa dalawang linggo lang na lumipas. Naging close na din siya kay Lola at kay Kuya kasi nakakalaban ni Kuya si Bry sa Rules of Survival plus tinutulungan naman niya si Lola sa halaman niya kasi may garden din pala si Bry sa bahay nila. And siya ang nagmamanage nun kaya naman may alam din siya sa tamang pagpapatubo ng plants.

Nakakaloka. Nagpapadagdag points talaga ang mokong.

But as usual, alam naman nila Lola at Kuya na sa isang lalaki lang ako hibang na hibang at walang iba kundi si...

"Paul!!! Bro! You're back!"

O_____O

Tae! Tama ba ko? Di ba ko namamalikmata?

ANDITO NA SI PAUL!!!!

"Yow bro! Miss me?" hirit niya kay Bryan.

"Yuck Paul. For Pete's sake! She misses you even more!"

Malaya [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon