# 34

2 1 0
                                    

# 34

[Kath's]

For the following days, hindi na ko pumasok. Inalagaan ko si Kuya kasi I know he needs it. Hindi pa rin siya masyado makagalaw because he's still full of bruises.

And sobrang nakakatuwa si Bryan kasi lagi siyang nagdadala ng notes sakin. Walang mintis, every after his classes end, dumidiretso siya dito sa bahay. Minsan, siya na nagluluto ng hapunan namin. Naglilinis kay Kuya kapag gumagawa ako ng mga hinahabol kong school works.

Sobrang alaga niya. At ngayon, nasa kwarto ako, nililinisan ko si Kuya ngayon.

"Kath, alam mo, sobrang swerte mo kay Bryan." ani Kuya.

"Kuya naman, alam mong sobrang laking pasasalamat ko kasi laging nandyan si Bryan para sakin. Na kahit minsan puro pasakit na lang ata yung dala ko sa kanya, hindi pa rin siya tumitigil na intindihin at alalayan ako."

Ngumiti si Kuya.

"Kung bakit kasi hindi ka nalang sana sa kanya na-inlove, edi sana mas masaya ka ngayon. Kamusta na nga pala kayo ni Paul? Akala ko ba hindi na sila nagpapansinan nung girlfriend niya?" tanong pang muli ni Kuya.

"Ayon, ni isang paramdam wala na naman. Kuya, ang tanga tanga ko."

"Sakit mo naman magsalita sa sarili mo. Partly yes, pero bakit ba?" he said and then chuckled.

"Nakakatawa yon? Lakas pang mang-asar, nagkkwento na nga. Wala naman, kasi diba. Alam mo na naman nga na since the beginning of time, si Paul na talaga crush ko. Siya na yung sinastalk ko sa FB, Twitter, at IG. Ni exact dates ng paggawa niya ng accounts niya, alam ko. Sa school, hindi lalagpas ang isang araw na hindi ko siya pwedeng hindi makita. And ngayon, abot kamay ko na e. Nandyan na siya. Palagi na siyang nandyan para sakin. Sinabihan na ngang mahal din ako e. Kuya, shet dream come true. Pero sa isang pabor lang na hiningi nung girlfriend, na ginawa ko naman din, naglaho lahat. Parang isang pulgada nalang mahahawakan ko na siya pero, bigla lumayo ulit tas nawala. Ganun."

Biglang may tumulong luha sa mga mata ko.

"Alam mo Kath, will na yan ni God. Na baka naman kasi hindi talaga para sayo si Paul. Na masyado ka lang bulag sa mga nangyayari ngayon at sa mga nararamdaman mo para sa kanya. Na dahil sa kabulagan mo, hindi mo napapansin na mas may ibang taong handang umalalay sayo. Na siyang laging nandyan para sayo. Hindi ko sinasabing si Bryan yun ha, pero parang ganun na nga. Tsaka, Kath, may girlfriend pa yung tao. Hayaan mong maayos nila kung ano mang sigalot yung mayroon sila. Huwag na huwag kang maeengganyong maglaro sa apoy kasi hindi mo alam kung gaano kasakit na paso ang pwede mong maramdaman kapag dumaplis yang pakpak mo dito." sabi ni Kuya.

Hindi ko na alam yung gagawin ko ngayon. Masyado na kong bulag kay Paul.

Mas nabulag pa lalo na't alam kong may pagtingin din siya sakin. Mas lalo akong naging hopeful sa posibilidad namin.

Habang nililinis ko yung mga sugat ni Kuya, nagtext si Bryan. Hindi daw siya makakapunta ngayon kasi kailangan siya sa Pastel Haven. May event ata sila tonight.

"Hindi daw makakapunta si brother mo." pang-aasar ko kay Kuya.

"Si Bryan? Anubayan! Mas gusto ko pa man ding kasama yon kaysa sayo. Joke lang."

"Nakakatawa yon Kuya? Che bahala ka nga dyan. Sigaw ka lang pag kailangan mo ng tulong."

Bumaba na ako at naghugas ng mga pinagkainan namin kanina. Si Lola kasi, maagang natutulog kaya for sure tulog na yon ngayon.

Habang naghuhugas ako, napatingin ako sa bintana katapat ko.

Fudge!!!!!!!!!!!! MAY NAKATAYO SA PUNO.

Malaya [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon