# 38

3 1 0
                                    

# 38

[Kath's]

"Mama?"

Nakita ko si Mama na nasa may dalampasigan. Her feet are dipped in the water and she was smiling at me.

I missed her smile.

Kaya naman walang anu-ano'y lumapit ako sa kaniya. I missed hugging her. I missed her gentle touch. I missed everything about her.

Hindi ko na rin napigilan na mapaiyak. Of all the things happening to me, hindi talaga natin mapipigilan na hanapin ang kalinga ng ina.

Yung tipong isang haplos niya lang, mawawala na ang lahat.

"Kath, anak. Tahan na. Hindi magandang umiyak. Sige ka. Papangit ka."

"Mama, namimiss na kita."

"Ako din anak, miss na miss ko na kayo ni Kuya Kyle mo, pati ni Lola mo."

Tinitigan ko lang siya. At nakikita ko yung mga mata niya.

"Alam kong alam mo na Kath lahat. Pasensiya na kung wala ako dyan sa tabi mo para ipagtanggol kayo ni Kuya Kyle mo. Pasensiya na din anak dahil napagdesisyunan ko noon na itago sayo ang lahat dahil, ayaw kong magalit ka din sa tatay mo. You are doing the right thing, anak. Ngayon, things won't be smooth. But chasing the other direction away from your Papa will be the best thing to do."

"Mama, miss na miss na talaga kita."

Niyakap niyang muli ako at yung luha ko, tuluy-tuloy lang. Namiss ko siya. Namimiss ko na siya. At patuloy ko siyang mamimiss.

"Anak..."

"Mama..."

"May isa lang akong ipapakiusap sayo."

"Ano po iyon?"

Hinawakan ni Mama yung mga kamay ko at tinitigan ko siyang mabuti.

"Sa panahong makilala mo na yung taong nakabangga sakin, huwag na huwag kang magtatanim ng galit sa kanya. Dahil sa kanya ko ipinagkatiwala ang kaligtasan mo."

Napakunot yung noo ko. Anong ibig sabihin niya?

"Mama?"

Unti-unti na siyang nawawala ngunit gusto kong malaman kung ano yung totoo.

"Mama!!" tuluy-tuloy ko lang na pagsigaw.

"Mama, 'wag mo kong iwan! Mama!!!!"

"KATH!"

Napamulat ako. Hindi ko alam pero habol-habol ko yung hininga ko. Pati yung mga luha ko, sobrang totoo.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa hita ni Bryan.

"Hey, you're having a nightmare." aniya sabay yakap sakin. Dire-diretso parin yung pag-iyak ko dahil, parang totoo si Mama sa panaginip ko.

Para siyang may pinaparating. Pero hindi ko maintindihan kung bakit? Bakit— papatawarin ko yung pumatay sa nanay ko?

Parang imposible. Pero bakit ayun yung hiling ni Mama?

"Shhh, shhh. Stop. Don't cry. It's just a dream." sabi ni Bryan as he gently taps my shoulders as he hugs me.

Nandito kami ngayon sa may bench near the beach.

"Nasaan na sila?" tanong ko.

"Nasa bar na sila. They're partying." sagot ni Bryan.

Malaya [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon