# 6

4 1 0
                                    

# 6

[Kath's]

"Bro? Nandito ka rin?" tanong ni Paul.

Biglang nanikip yung dibdib ko. Lagi akong ganito kapag nandito siya malapit sakin. Kasi ano ba girl, kinikilig pa rin naman ako kahit papaano no? Tao pa rin naman ako!

"Omg! Hi Kath! Nandito ka rin pala- uy kayo haaa! What's with the both of you?" paasar na tanong ni Anna.

"Uy wala!!" tugon namin ni Bryan.

"Sabay pa sila! Osiya, since we're here na, let's all eat together na din!" asar niya samin.

Pero si Paul, biglang tumahimik siya. Nahiya tuloy ako kasi, iniwan ko siya kanina tapos makikita niya ko dito, kasama si Bryan.

Ang rason ko pa naman sa kanya is hinahanap na ko nina Jade at Harry.

"Yow bro. Nag-aaya sila Lyle sa Malacañang."

Napaubo ako bigla habang nainom.

WHAT THE HECK? MALACAÑANG AS IN? DUTERTE? TAPOS NAG-AAYAAN LANG SILA DOON?

ANO YON TAMBAYAN LANG NILA? CLASSROOM LANG GANERN? NAKAKALOKA HAA.

"Hey! What happened?"

Oh my gosh ang haba ng hair ko. Ayoko na.

Si Paul at Bryan, yung dalawang lalaking tinitingala ko, sabay silang nagtanong at nag-abot ng tissue. Oh my gosh. Sorry Anna, mas mahaba hairlaloo ko ngayon!!

Ay.

"Oh my gosh Kath. Are you alright? What happened?" pag-aalala ni Anna.

"No, nothing nothing. Nagulat lang ako sa Malacañang? Bakit kayo pupunta doon? Hindi ba busy si President Duterte para mag-ayaan lang kayo doon?"

Natahimik sila.

Oh my gosh. Anong masama sa sinabi ko? Malacañang ah. Mali ba ko ng pagkakarinig?

At maya-maya, ayan sila, nagtatawanan. Si Anna at Bryan, hagalpak kung hagalpak pero si Paul, tatawa-tawa lang.

What the fudge ano ba kasing sinabi kong mali?

"Wait. Woosh! Malacañang. Not the ones where our President is, ayun lang yung tawag ng boys sa bahay ng barkadahan nila." explanation ni Anna.

Oh my gosh, DIYOSA NG LUPA MULI KITANG TINATAWAGAN PARA AKO'Y KUPKUPING MULI SAYONG KAHARIAN.

OH MY GOSH!

OH MY GOSH!

AYAW KO NA. NAHIHIYA NA KO. KAHIHIYAN KA KATH. MUKHA KANG TANGA. PARA KANG TANGA. ACTUALLY, TANGA KA TALAGA.

"You're funny Kath. Natawa talaga ako sa'yo." sabi ni Bryan habang natatawa-tawa pa.

"Eh kasi naman, akala ko kasi kung anong Malacañang 'yon. Malay ko bang yung bahay niyo 'yon diba."

"Well yeah, before I forgot, ano Paul, g ka? We're complete. Magpapractice sila for the One Night Only."

Ay omg! Oo nga pala, dahil Intrams na namin next week, sa last day noon, magkakaroon ng University Night wherein invited lahat to join and to party while jamming. As in punung-puno ng mga live bands yon from our Universities tapos mga sikat din na bands. Tas syempre dahil nga sikat Band Age, isa sila sa highlight ng Night.

"Oh well, okay lang. There's nothing to do naman so, go."

"Omg, I'm going to join as well. I'll invite their girls and the cheerleaders over and we'll swim. Tutal naman it's Friday so, yeah! Let's party!"

Malaya [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon