# 31

3 1 0
                                    

# 31

[Kath's]

Nasa Pastel Haven kami ngayon since dinidiscuss samin ni Carlo and Sab yung mga gagawin namin for the month. Na magbubukas na kami ng Youtube Channel, Twitter, IG, and FB Accounts. Magsisimula na rin kaming mag-gigs sa malakihang bars around Manila. Mag-guest sa mga school events and etc. And most of all, mag-cover ng mag-cover ng mga songs.

I don't know but it's already been so busy for me.

And to update ya'll. Wala pa rin akong nagagawang move para kina Anna and Paul. And Paul, he's sweeter na kahit si Harry, which is hindi pa niya alam yung lagay namin ni Paul, e nagtataka na rin sa kasweetan niya.

"Hey, Kath! We're gonna record daw our first cover, Kung Di Rin Tayo by December Ave. and Moira, next week. Do you agree with the song?" Lyle told me.

"Ah hala sorry, lutang na naman ako. Sure sure, wala pong problema." I answered.

"So all things were settled. Just tell me what's the important schedules of your school na kailangan niyong madaluhan like your Retreat two weeks from now para naman matanggalan natin ng balakid. Okay?" Sab said.

Nag-agree naman kami sa sinabi ni Sab and umalis na rin naman sila after our meeting.

"So, balik muna kaming school Kath ha? May Pre-lims Exams pa kami sa Physics e. Ikaw ba? Wanna come over?" tanong sakin ni Yuan.

"No, no. Intayin ko na si Bryan. Sunduin na daw niya ko. Papunta na daw siya."

Pinanliitan naman nila ako ng mata at tila parang nang-aasar yung mga tingin nila.

"What's the meaning of that???" I asked.

"Nothing! Sabi ko nga, hihintayin ni Princess ang kanyang Prince Charming in his shining armor." ani Isaiah at nagtawanan sila.

"Sige!! Mang-asar pa kayo. May araw din kayo sakin!" banat ko pa.

Nakakatawa din namang kasama tong apat na to e. Sobrang liligalig pero ang cool. Para na tuloy nila akong bunsong kapatid na walang ibang choice kundi tanggapin lahat ng pang-aasar nila.

Ng makaalis na sila, binigyan ako ni Johanna, yung ka-close ko na waitress dito sa Pastel Haven, ng chocolate latté.

"Oh, hindi ka pa ba babalik sa school niyo? Nauna na Band Age oh." she said.

"Susunduin na daw ako ni Boss. Tagal nga e."

"Asussss. Ang sweet naman ni Boss e. Sana all ganyan." hirit ni Johanna.

"Nako Johanna Marie De Borja, isa ka pa ha. Isang asar mo pa, bubuhos ko sayo to."

Tumawa naman siya ng malakas at umalis na din.

Habang naghihintay ako ng sundo ko. May nag-text sakin.

From: Anna Punzalan

Hi Kath! Pwede mo ba kaming ipag-meet ni Paul sa gymnasium, later at 5?

Napatitig ako sa cellphone ko.

Fudge. Ano bang gagawin ko? Hindi ko na alam!!!!!!

Sinalampak ko na lamang yung mukha ko sa lamesa. Putek, ano bang dapat kong gawin?

Sundin yung puso ko? O gawin kung ano yung tama?

"Hi there sweetie."

"OH HOLY FUDG— Paul? What are you here?" gulat kong tanong.

"Uhm, suddenly, Bryan's been caught by the enforcer because that bud's not wearing his helmet. Good thing nadaanan ko siya as I am on my way to school. Sabi niya, ako na daw magsundo sayo." he explained.

Malaya [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon