# 32

2 1 0
                                    

# 32

[Paul's]

I don't know why Kath's been rushing me all around. Kaya naman hindi ko na naitanong kung bakit niya kailangang bumalik sa school even though it's already 7 in the evening.

When we got here, she ran and hindi ko na siya naabutan. She's on her way papuntang gym kaya naman sinundan ko nalang siya.

Pero pagkapasok ko, ibang tao ang inasahan ko.

"Paul, I thought you weren't coming!"

Anna shouted and approaches me.

She hugged me while crying.

"W-what are you doing here?" I asked her.

"I'm waiting for you here. Did Kath tell you?"

Napatawa nalang ako. So kaya pala nagmamadali si Kath? Kasi nandito si Anna?

"Gusto kitang makausap Paul. I want to fix everything. Gusto kong ayusin yung lamat na mayroon sa relasyon natin."

I facepalmed. I can't take this anymore.

"Akala ko ba wala ka ng tiwala sakin? Akala ko ba unti-unti ng nawawala na yung pagmamahal mo sakin?" I asked her.

"Nadala lang ako ng sitwasyon Paul! Nasabi ko lang yon kasi parang I am nothing to you anymore! Na parang mas kinakampihan mo pa si Kath over me!" she shouted.

"Wala akong kinakampihan Anna! Because first things first, hindi kasali sa away natin si Kath, nor Bryan!"

"Hindi nga ba talaga Paul? Hindi nga ba talaga kasali si Kath?" she calmly said.

"Ano bang gusto mong i-point-out?"

"Bakit kayo sobrang close? You declared cool off but I didn't expect that you'll flirt on that said 'cool-off' while me! I am here being a dumbass waiting for you to approach me and tell that you missed me. E mukhang nag-eenjoy ka pa lalo nung nagcool off tayo e!" she shouted.

"You can't understand and you will never understand."

Tumalikod ako at akmang aalis pero sumigaw muli siya.

"Hindi ko talaga maiinitindihan Paul kasi you're never trying to explain everything to me! Lagi ka nalang tumatalikod! Lagi ka nalang lumalayo!"

I don't know why but when I faced her, all my tears are falling down.

"You know why, kasi sa simula palang parang pakiramdam ko I am loving you because I am your boyfriend." I said.

"HINDI BA GANUN NAMAN TALAGA?" she shouted back.

"May malaking kaibahan Anna! Malaki ang kaibahan ng mahal kita dahil boyfriend mo ko, sa mahal kita dahil mahal kita. Lahat nalang oras mo nahahati! Lahat nalang ng pwedeng kaagaw, nandyan! Nakikiagaw para sa atensyon mo! Lagi nalang 'Wait lang Paul ha, I'll just finish this.' Lagi nalang ako yung mag-aadjust! It's always me who tries to understand you Anna and I am fucking tired!!!!!!" I cried.

I saw her face na gulat. Yes, it's her first time to see me break down like this.

"For Pete's sake Anna, matagal ko ng pinapanalangin na sana ako naman. Na sana ako naman yung pahalagahan mo. Na sana, it's me over anything and anyone else. Na sana, sila naman yung sasabihan mo ng 'Wait lang ha, I wanna be Paul muna'. Matagal ko ng hinihiling yon Anna but still no! It's them over me kasi akala mo, lagi ko lang maiintindihan that you have priorities. Pero ako ba Anna? Ako ba? Ni minsan ba naging prayoridad mo ko? Ni minsan ba inisip mo man lang yung mararamdaman ng boyfriend mo? I am tired of understanding you. Sinasabi nila na the key for a better relationship is understanding. Pero bakit parang hindi na fair? Bakit parang hindi na pantay? Hindi na tama? Parang lagi nalang ako? Kaya it turns out, nakakapagod na."

Malaya [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon