# 1

9 2 0
                                    

# 1

"Itaas niyo pa! ENERGY!! 1, 2, 3!!!"

Ang init na omg!! Paano ba naman ang aga aga nakabilad na kami sa araw gawa ng Field Demonstration namin.

"Tingnan mo si Ma'am Jas. Ang aga aga, napakalakas ng boses." sabi ni Jade, yung bestfriend ko.

"Alam mo naman yan fren, hindi na kailangan ng megaphone. Pagsasalita pa nga lang mukha ng nasigaw, what more pa kaya kapag totoong sumigaw na yang lukay na yan."

Ako nga pala si Kathleen Andrea Ong, may lahi daw kaming Chinese pero I doubt kasi ang LAKI NG MATA KO. Pero keri lang naman, bagay naman daw sakin.

Grade 12 students na kami and yung Field Demo namin, requirement siya sa P.E. namin like wth, kailangan kong pumasa kaya tiis-ganda muna tayo.

And syempre okay lang din naman sakin na magpa-araw ako dito kasi, shems yung mga football players nagttraining dito.

At kasali sa kanila, si Paul. Paul Francis Villanueva, yung goal keeper nila.

Matagal ko ng crush yon, siguro mga Grade 6 pala kami dito sa University.

Sino ba naman kasing hindi magccrush sa kanya? Ang bait. Maginoo. Matangkad. Gwapo. Matalino. Maputi. Tapos ang bango pa. Sporty. Maganda katawan. Jusko be, nasa kanya na lahat! Gising na gising nung nagpaulan si God ng magagandang katangian. Kaloka!

Kaya nga ang swerte nung girlfriend e. Oo! May girlfriend ang koya niyo!

Si Anna. Julianna "Andrea" Punzalan.
Ako nalang sana yung Andrea ng buhay niya.

Okay lang naman. Bagay naman talaga kasi sila kapag pinagtabi mo. Paano si Anna kasi yung head cheerleader ng Cheer Leading Squad dito sa University.

Maganda yung katawan, maganda din mukha, magaling din sa Acads, President ng Student Government. Besh, ang active niya! Kaya siguro taon-taon siyang nakakakuha ng Leadership Award kasi ang galing niya talaga.

Tas bali-balita pa na magaling din magluto, kaya ano pang panama ko sa kanya diba? Nakakaloka! Nasa kanila na lahat!

"ONG!! ANONG GINAGAWA MO?"

Holy sh*t. Nahuli niya kong nakatingin sa kanya!

Ma'am Jas naman e, bakit kailangan mong sumigaw e alam mo namang naka-mic ka na.

Binigyan ko nalang si Ma'am Jas ng isang smile and kaagad naman kaming nagcontinue.

Nakakahiya!!!

After ng practice, kaagad akong pumunta sa room namin. And syempre yung mga kaklase kong boys, inaasar na naman ako.

"Nako Kath, nahuli ka tuloy ni Mr. Right mo. Nakatingin ka kasi sa icing niya!" ani Gerald.

Actually magkakabarkada naman kami dito kaya keri lang.

"Sige fren! Mang-asar pa!" sabat ko.

Tapos sabay sabay kumanta ng 'Mr. Right' ang mga mokong. Jusko! Iniinis talaga ako.

"Mainit na sayo mata ni Ma'am Jas." sabay sulpot naman ni Harry, kabarkada din namin siya ni Jade.

"Bakit? Anong sabi?"

"Pumunta ka daw sa Faculty Room may iuutos ata."

Napapikit nalang ako. Sh*t.

Pumunta na ko sa Faculty Room and saktong makakasalubong ko si Paul kaya naman lumiko ako.

Nakakaloka! Pagtitig na nga lang sa kanya yung ikasasaya ko tapos ngayon di ko na magawa!

"Ms. Ong! Saan ka pupunta? Get in here, now!"

Malaya [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon