# 16

4 1 0
                                    

# 16

[Kath's]

"You don't need to react. I just want to vent out my feelings. Kasi gusto kong bumalik yung dating tayo. I just want to say sorry because of my immaturity." sabi ni Bryan.

"Alam mo Bry, hindi mo kailangang mag-sorry. I just want to say that everything's fine. Oo, nasaktan ako kasi bigla bigla mo kong hindi pinansin. Pero, mas nasaktan kita. Kaya, I'm sorry. And I'm sorry din kasi, alam mo namang hindi ko—" bigla niyang tinakpan yung bibig ko.

"I know Kath, I know. Alam ko kung ano yung sasabihin mo, but atleast, give me a chance. Hindi mo kailangang mag-effort. Just let me be. Hayaan mong patunayan ko ang sarili ko sayo and, in the end, kung wala naman talaga, ako lang din ang masasaktan diba? So, just let me be. Don't reject me this early." sabi niya.

Napangiti naman din ako kaagad kasi, halata mo sa kanyang pursigido siyang mapatunayan sa akin na karapat-dapat na maibalik sa kanya yung pagmamahal niya.

Pero I can't assure that I can give it back. Kasi masyadong tanga yung puso ko sa taong nakakandado naman yung sarili niyang puso sa iba.

Bakit ba ganito ang pag-ibig? Nagpapatanga sayo. Nagpapabobo. Nagpapamanhid. Na kahit masakit na, keri lang kasi nakakasama mo naman siya.

Kung kailan may taong handang magmahal sayo, saka ka naman ganyan. Saka mo hindi naaappreciate yung presence niya kasi nga bulag ka para sa iba.

Kung kailan may taong handang magsakripisyo para sayo, wala. Kasi nga mas napapansin mo yung iba at mas handa kang magsakripisyo para sa iba.

Kung kailan may taong handang tanggapin ka ng buong-buo, saka ka naman nagpapalamon sa taong, kahit kailan, kaibigan lang ang turing sayo.

Kahit anong realizations ko, na shunga ka Kath, hindi mo naman mapapaibig yan sayo e. Bulag ka Kath, daming nagmamahal sayo pero g na g ka pa rin sa Paul na yan.

E wala e, nagmamahal lang din naman kasi ako.

Na kahit gaano pa kasakit yan, na kahit gaano pa ako maging tanga at bulag sa taong mahal ko, go pa rin. Kasi kaya kong gawin ang lahat, para sa kanya.

Hindi ko naman iniexpect na darating si Bryan sa buhay ko.

At hindi ko iniexpect na magkakagusto siya sakin.

"Back when we were having the party, while we're swimming, I can't stop but to look at you kasi, you're all alone sa bench. And nung umalis ka, nakita kitang lumabas ng gate pero when I am about to follow you, huli na din ako. Kasi nasundan ka na ni Paul."

So sumunod siya noon?

B-bakit hindi ko napansin?

"And nung kumakanta ka sa band room, it's so funny but I recorded it. And look!" nilabas niya bigla yung phone niya at pinakita sakin.

"It's part of my playlist." sabi niya na tila proud na proud siya.

Bryan bakit ka ganyan? Hindi ko alam pero bigla akong naiiyak.

Kasi pakiramdam ko, sa bawat salitang binibitiwan niya, nagkakaroon ako ng mas malaking kasalanan sa kanya.

Hay Bryan, kung alam mo lang. Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong turuan tong pesteng puso na 'to.

"Thank you Bryan. Kasi of all the people, ikaw pa yung um-appreciate sakin." ani ko.

"Because, you truly are appreciated. Ang dami kong nakikitang maganda sayo. You truly have a good heart. Masaya ka kasama. As in. And you can understand people which all of us cannot do. Kaya nga siguro na-fall ako sayo. But don't worry, sabi ko nga sayo, I am not requiring you to love me back. Ang gusto ko lang ay yung maibalik natin yung dating tayo. Yung nakakausap mo. Nakakapag-open-up ka sakin. Nakukwentuhan mo lang ako. Yung sobrang saya lang." sabi niya ng nakangiti.

Malaya [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon