# 10

4 1 0
                                    

# 10

[Kath's]

After naming mag-meryenda doon, naiwan na naman kami ni Paul.

"Hey baby! Ilibot mo muna si Kath. Wala ka namang gagawin, and as well as you. Para maging masaya naman kahit papaano yung Intrams mo Kath! I'm going to practice pa e and I think hanggang mamayang hapon na 'to." sabi ni Anna.

Nagpaalam na kami kay Anna and bineso niya ko. And as usual, nag-kiss ulit silang dalawa.

Wala na bang mas may isho-showy pa yung couple na 'to.

Hindi ko kasi alam kung kikiligin ba ko o masasaktan. Kasi omg! Yung lodi kong couple yun oh!

"Hey, where do you want to go? Mukha tayo talaga ang magsasama this Intrams. Magkakasawaan tayo sa pagmumukha ng isa't isa." Paul said.

Never akong magsasawa sayo Paul no. Swerte ko pa nga e.

"Hindi ko din alam e! Halos nalibot ko na din yung mga booths sa Bazaar kanina."

At dahil doon, binigyan ako ni Paul ng isang tingin na sobrang nakakacurious, and nakakatunaw na rin. Hihihi.

"Alam ko na kung saan tayo pupunta."

Tumakbo siya pero ako, loading pa rin. Huh? Saan daw kami pupunta?

Nung nakita niyang nakatigil pa rin ako, binalikan niya ako at saka hinawakan yung kamay at, tumakbo.

Tumatakbo kami ni Paul ng sabay, at. At. At. At magkahawak yung kamay.

WAIT OMG! NANANAGINIP BA KO! PARANG NAGSO-SLOW-MOTION YUNG PALIGID.

Ang tanging nakikita ko lang ay si Paul.

Nakangiting tumatakbo.

Nililipad yung buhok niya dahil sa hanging dumadampi samin.

At nakikita ko yung ngiti niyang nakakatunaw.

Yung mga kamay naming magkahawak.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko mapaliwanag kung anong klaseng tibok pero ang alam ko lang, kinikilig ako, at sobrang saya.

Hindi ko iniexpect to.

Hanggang sa maramdaman ko nalang na tumutulo na yung luha ko.

Sa saya siguro 'to.

Sobrang saya lang kasi.

"H-hey, why are you crying? Did I do something wrong?" pag-aalalang tanong ni Paul.

"W-wala to! Napuwing lang ako ng hangin!" sabi ko sabay punas ng luha.

"A-are you sure?" bigla siyang bumitaw sakin at humarap.

"Yes! Oo sure na sure."

Ngayon, hindi na kami tumatakbo. Naglalakad nalang kami ng medyo mabagal.

"Teka Paul, saan nga pala kasi tayo pupunta?"

"I want to bring you sa favorite arcade ko kaso..."

Favorite Arcade niya!? SA TOM'S WORLD!!!!!!

Omg naalala ko dati, muntik na talaga niya kong mahuli na nang-iistalk ako sa barkada nila.

Habang nagbabasketball kasi sila, nandun din kami. Tapos kakuntsaba ko si Jade noon, sabi ko batuhin ako ng bola para mapansin nila ako, PERO DULING ANG LOKA, si Toper ang natamaan hindi ako!

"Hoy! Walang kaso kaso, tara na at mag-enjoy!! Free cut naman!"

This time, ako naman yung humawak sa kamay niya at hinila siya patakbo.

Malaya [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon