# 41

1 1 0
                                    

# 41

[Kath's]

Weeks have passed. It was really fast. Sobrang bilis na tipong ako, hindi ko namalayan na malapit nang mag-Pasko.

It was already the end of First Semester and yet, everything seems to as blurry as they seem.

Kakatapos lang ng exams namin, and now. We're preparing for our Retreat already.

"Kath, makikibigay daw nito kay Ms. Jas sa Faculty Room." sabi nung isa kong kaklase.

Kung tatanungin niyo ako how the weeks have passed, it was really fast.

First, Anna was impeached because of the scandal she got involved. Good thing walang bearing yung nangyari sa pagiging candidate niya for Valedictorian. Malimit nalang din namin siyang makita sa school dahil she enrolled in a home-school program.

Band Age disbanded. Sina Lyle, Yuan, and Toper, they are making another band without Isaiah dahil nga sa nangyari. Still, hinahandle pa rin sila ng management.

And me? The management is still convincing me to pursue my contract with them pero ako na yung umayaw. They respect me for my decision kaya hindi naman naging mahirap.

Si Paul, ilang linggo na ring hindi regular napasok. Sabi ni Bryan, maayos naman daw siya. His teachers even tried to send him modules and worksheets to answer and fortunately, nagpapasa naman siya. Minsan sa isang linggo, dalawang araw lang siya pumapasok.

And hindi ko pa nakikita.

Si Bryan naman, nakapasok na siya sa Team A ng Football Team. May mga members kasi daw na nag-drop sa Football kaya nagkaroon ng slots.

Minsan nalang din kaming magkita pero lagi naman kaming nalabas, kasama sila Jade at Harry, kapag may free time siya.

Ang bilis no? Ang bilis ng pagbabago. Yung dating sobrang saya, naging pale. Yung dating sobrang meaningful, nawalan ng halaga.

I feel so sad for all of them. Excluding my feelings for Paul, he's been through a lot. Problems from his family, their business na kasama na rin siya sa nagmamanage at our young age, problem sa Kuya niya, then kay Anna. If I were on his shoes, hindi ko rin alam kung paano ihahandle ang lahat.

Kaya naman ito ako ngayon, nagsspace-out. Madalas na din akong ganito. Siguro kasi masyado akong nabigla sa changes. Nabigla sa mga news. Nabigla sa kung ano bang dapat gawin.

To be honest, dala-dala ko pa din yung nakita ko that night. Kaya siguro madalas akong mag-isip. Madalas tuliro. Madalas nababagabag.

But I got better now. Si Kuya Kyle, maayos na rin yung pakiramdam niya and nakapasok na rin naman siya.

Si Papa, he's visiting us, even bringing always some goods. Pinipilit niya kaming bumalik sa bahay pero ako na yung umayaw. Hindi na rin kami ginugulo ni Pau since pinagstay na siya ni Papa sa US. Pero ayun, sabi ko kay Papa, dumalaw nalang siya madalas dahil ayaw ko na talagang bumalik sa bahay niya. Maayos na ako dito sa bahay ni Lola.

"Kath, tara punta tayo sa café sa tapat?" aya sakin ni Jade.

Umiling nalang ako. Wala ako sa mood.

"Naman e. Dali na besh, ang tagal na nating hindi nagbobonding tatlo." ani Jade sabay hila kay Harry.

"As if alam kong magddate lang naman kayo. Sige na, kayo nalang dalawa. Sasamahan ko pa si Lola sa palengke ngayong hapon. Hindi daw siya nakapag-palengke kanina kasi masyado palang maraming pamimilhin."

"Aha! Alam ko na! Sasama nalang kami sayo. Tutulong ako magbuhat!" sabat ni Harry.

"Ay baby! Very nice idea! Gusto ka lang talaga naming makasama, Kath. The past few weeks have been so stressful sayo. At alam kong dala-dala mo pa din yung sakit and bigat sa loob mo kaya, please. Let me and Harry carry them too. Okay?" ani Jade.

Malaya [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon