# 21

4 1 0
                                    

# 22

[Kath's]

After naming maglunch, nagdaan yung mga periods. And good thing dahil sa inis na nararanasan ko, mas nakapagfocus ako.

"Girlalush, anyare? What's with the long face?" tanong ni Jade.

"E kasi itong si Paul, besh, ayaw mamansin. Feeling ko nga may problema sakin yon. Pero bakit ayaw nalang niyang sabihin diba?"

"Ay sosyal! Hindi pa sila pero may nagaganap na agad na isang malaking LQ! Kakaiba ha! Pero bakit nga no? Sabi mo naman lagi kayo magkausap noon, tapos nung dumating siya, in just one click, nawala? Ay hala besh! Hindi ba sumagi sa utak mo na baka. Na baka na amnesia siya????!!!" OA na sabi ng Great Jade Christine Lopez.

"AMNESIA? ANO? AMNESIA NA AKO LANG NAKALIMUTAN? ANONG AMNESIA YON? Sinabi ng utak once na naalog, OKAY SI KATH LANG MAKALIMUTAN, the rest, safe sila sa utak mo, GANON?"

"OH E BAKIT SAKIN KA NAGAGALIT? Kaloka sisterette ha. Kausapin mo na kasi!"

Paano ko nga kakausapin kung hindi naman nagpapakausap?

Ano ko parang aso na hahabol? Tanga na makikipagusap kahit wala naman talaga? Manhid na kapag hindi nagreply hindi masasaktan? Wag na 'uy!

Bahala siya sa buhay niya. Kung ayaw niyang mamansin, edi wag.

Siguro sign na rin to ni Lord para palakulin yung utak ko na dapat ko na talagang kalimutan yang Paul Francis Villanueva sa buhay ko.

Na walang magandang maidudulot sakin ang isang Paul Francis—

"Uhm, hi? Can I talk to-"

Maya-maya narinig ko boses ni Paul kaya naman biglang nag-init yung dugo ko at napasagot ng—

"WALA NA SI KASSANDRA DITO! NAGLAHO NA! NAGFLY-FLY-CHIKAROO NA! UMUWI NA! KUNG KAKAUSAPIN MO SIYA, I-CHAT MO NALANG SA FACEBOOK! O DI KAYA ITEXT MO! NAGREREPLY NAMAN YON! NAMAMANSIN DI GAYA MO!" sabi ko ng hindi nakatingin sa pinto.

Natigilan naman si Jade at Harry. Buti nalang kaming tatlo nalang nandito.

And then, napapikit ako—

Oh my goodness. WAIT.

NGAYON LANG NAGSISINK-IN SAKIN LAHAT.

TAE!!!!

KATH???? WALA KA NA BANG GAGAWIN NA MAS MATINO??????? KAHIHIYAN NA NAMAN UTANG NA LOOB NAMAN!!!!!

"I-I was supposed to talk to you, kung pwede."

Humarap ako sa may pinto AND SHIT! TAE. SI PAUL NGA TALAGA YON!

Pero dahil mataas ang pride ko. At siya ang naunang huwag mamansin, it's payback time.

"Sorry, nag-group-study kami. Next time nalang ha. Sorry."

Bigla naman siyang napangiti na parang may despair sa labi.

"Sige, next time nalang. Sorry sa abala." and then he closed the door gently.

Napapikit ulit ako.

Shit naman Kath, tama ba yon?

Ang arte-arte mo kasi e. Paano pala kung sobrang importante nung sasabihin niya?

Edi hindi mo narinig? Hindi mo napakinggan?

Minsan kasi unahin ang utak, wag puro kaartehan, Kath!

"Uy, sundan mo na yun! Mukhang gusto ka na namang kausapin ng tao e." ani Harry.

"Onga girl. Feeling mo naman maganda ka na nung nireject mo siya?" pang-aasar pa niya. At nakatikim naman siya ng isang malakas na hampas.

Nauna na sila Jade and Harry kasi sabi nila may dadaanan pa daw sila sa mall. Mukhang magpapatulong ata si Harry para sa gift niya para sa nanay niya, birthday daw kasi.

Malaya [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon