# 29

2 1 0
                                    

# 29

[Kath's]

It's already midnight and nasa isang guest room ako dito sa Malacañang.

Silang lahat nagsswimming sa baba and ako nandito, nagmumuni-muni sa balcony nila. Good thing hindi nila ako kita kasi nasa kabilang side yung swimming pool.

Hindi ko maiwasang isipin yung mangyayari sa hinaharap.

Kapag nalaman ni Anna na may relasyon kami ni Paul. Na may namamagitan samin.

Hindi ko maiwasang maguilty. Sa lahat ng kabutihang ginawa niya para sakin, ganito lang yung isusukli ko?

Pero another part of my mind says na, this is the time para isipin naman kung ano yung para sakin.

"Waaaaah! Hindi ko na alam!" sabi ko sabay salampak sa kama.

Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. What the fudge.

Maya-maya naman may kumatok.

"Kath! May I come in?" ani Jade.

"Tungaw! Sige lang!" pagkapasok niya, kaagad ko naman siyang inasar.

"At saan nanggaling ang pag-English mo be?"

"Tanga! Minsan na nga lang magfeeling sosyal sisirain mo pa! Teka nga! Bakit ka ba nandito? Ayaw mo makiparty sa baba, e para nga sainyo to!"

"Wala lang, may iniisip lang."

She smiled.

"Paul?"

Napatingin ako sa kanya. Alam niya ba? Alam niya bang may namamagitan samin?

"This isn't the right way to love him Kath." dahil sa sinabi niya, napaiyak ako.

"Hindi ko na alam yung gagawin ko Jade. Mahal ko siya."

Nakita ko na yung mga mata niya na umiiyak.

"Alam ko. Dahil kasama mo ko sa lahat ng mga katangahang ginagawa mo para kay Paul. Kasama mo kong sumusunod sa kanya, kinikilig ka makita mo palang siya sa malayo. Yung tipong kasing liit palang siya ng langgam, alam mong siya na yun. Mga ilang beses tayong pabalik-balik sa Marks & Spencers para lang malaman kung anong pabango niya. Pero hindi to tama Kath. Nakita ko kayo kanina, sa sasakyan. Buti nalang di kayo nakita ni Harry."

"Hindi ko na alam yung gagawin ko Jade. Alam kong mali pero, eto na yung hinihintay kong pagkakataon. Yung pagkakataon na mapapansin niya ako. Yung pagkakataong mahalin niya rin ako pabalik. Eto na yun e. Kaya hindi ko mabitawan."

Hinawakan niya ng mahigpit yung mga kamay ko. At nakita ko yung mga nakikiusap niyang mata. Na tila sinasabi na, awat na hangga't maaga pa.

Pero umiling ako.

Desidido na ko sa mga gagawin ko.

Hindi ako titigil.

Ipaglalaban ko yung pagmamahal ko kay Paul.

Alam kong lumalaban din siya. Alam kong naghahanap din siya ng mga paraan para matapos na itong kalbaryo namin. Kaya hindi ako titigil.

Masaktan na ko kung masasaktan.

"Eto lang ang sinasabi ko sayo, hindi lang si Anna ang masasaktan dito, pati na rin si Bryan." ani Jade.

Niyakap ako ni Jade at ramdam ko yung pighati sa bawat paghagod niya ng likod ko.

Pasensya na, pero sa tingin ko, oras na para piliin ko naman yung sarili ko.

Pagkatapos namin mag-iyakan ni Jade, nagbalik na rin kami sa dati. Nagpapaypay naman ako ngayon ng inihaw kasi ayaw kong magswimming.

Malaya [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon