# 23

3 1 0
                                    

# 23

[Kath's]

Papunta na kami sa bahay nila Anna dahil itatransform na daw niya ko into the more beautiful side of me. Sosyal. More beautiful, beauty nga wala e.

And oh my gosh. Ang gaganda ng mga binili sakin ni Anna!!!

Floral dress!!

4 inches na heels!!!

AT ANG PINAKAGUSTO KO, ako na bumili nito sa Pink Box, YUNG HEADBAND NA COLOR PINK.

OH MY GOSH. And hindi ko alam kung magkano yung ginastos namin kasi yung pinagbilhan namin, boutique pala nila Anna!!!

Kaya pala yung name ay Julianna Andrea's Fashion.

Pero ang nakakapagtaka is hindi na kasama ni Anna si Paul sa mall. Akala ko ba sasama yung mokong na yon? Nakakahiya namang tanungin kay Anna kasi tinaray-tarayan ko yun kanina tapos, kaboom tatanungin ko pa.

Eh kasi naman, kahit ang saya-saya ni Anna, ang lungkot ng mga mata niya!

"So here we are! Welcome to our house!!"

AND LITERAL NAPANGANGA AKO. BESH!!! TALO ANG MALACAÑANG SA KAGANDAHAN! Ang ganda I swear. Sobrang modern ng vibe nung bahay tapos, BASTA ANG GANDA PROMISE.

"Grabe Anna, nagkakakitaan pa ba kayo? Ang laki grabe!!!"

"Ofcourse!!! Silly. It's just that, Dad wanted a bigger space if ever may mga visitors ako. We have Theater Room and Bar sa 3rd Floor so doon kami kadalasang naghahangout nila Paul, Bryan, and Band Age. Minsan ko lang ayain dito yung mga co-cheering squad ko because remember, the girl I talked about. Ayaw ko siya makapunta always here sa house because for sure, bida-bidahan na naman siya and it will just irritate me." inis na sabi niya.

Grabe naman sa yaman to. Nagpalaki lang ng bahay para sa kanya. GRABE GRABE.

So ayun na nga, nagpunta na kami sa kwarto ni Anna. Wala kasi yung parents niya. Puro mga nannies niya lang yung nandito.

Pagpasok namin ng kwarto niya, grabe ang ganda!!!! Puro pastel colors din!!! Pero mas dominant ang pastel blue na color. Baka favorite niya.

And nakita namin don na nakaready na yung make-up set niya!! Grabe ang yaman!! As in alam niyo yung may bumbilya?? May ganun yung salaminan niya!!!

"BESH! Hindi mo naman sinabi na may mini parlor ka dito?????" hirit naman ni Jade.

"Are you ready girl?" Anna asked me.

Hinila naman niya agad ako AND DID THE MAGIC!!!

---

[Bryan's]

Sinabi nila Anna na dumiretso na kami sa Pastel Haven and dude, ang haba ng pila sa Entrance. This is going to be a big hit.

May mga dala-dalang placards ng Band Age. Yung iba posters na "Go Band Age!" and "Go Kath!" Mga kaklase niya ata yon. They look familiar e.

Sa likod ko na pinadaan yung sila Lyle kasi for sure kapag sumama sila sakin dito, pagkakaguluhan pa sila.

Sa garden kasi gaganapin yung gig kaya pinaayos ko siya na puno ng mga fairy lights. Basta maganda yung ambiance, ayos na.

Actually, I really want to join the girls. Fuck, I want to see Kath, I swear.

Literal na hinatid lang namin sila sa mall and pinaalis na agad nila kami. I badly want to see her on her dress. Pero wag daw. Let me be surprise daw, bulong sakin ni Anna.

She's too supportive to me para kay Kath.

She knows what I feel for Kath and wala na siyang ibang ginawa kundi ang asarin ako sa lahat ng oras.

Malaya [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon