# 26

4 1 0
                                    

# 26

[Kath's]

"Oy Kath! Ano na! Trending na trending ka na!!" sigaw ni Therese, kaklase ko din.

Pasukan na ulit.

"Syempre! BFF ko itey! Magaling to no!" sigaw naman ni Jade.

Unlike before, bigla akong naging kilala sa school. Sobrang surreal nga kasi hindi ako sanay. Marami na agad nag-hi. AND JUSKO! Kahit mga college, nakaway na din. Jusko.

"Kath!! May naghahanap sayo sa labas!" sigaw nung isa kong kaklase. Wag na kayong magtaka, uso talaga samin sigawan. Mga 10 bundok ang meron kami dito sa loob.

"Sino daw?" tanong ko.

"Secret! Walang clue! Dali na putek, maaagnas yung bulaklak na dala!!" sabi niya.

Bulaklak?

"Girl!! Ano na!? Tutungangey ka dyan? Ako lalabas don sige ka!" sabi sakin ni Jade.

Pagkalabas ko, may nag-aabang nga. Matangkad siya, nakared na bomber jacket. Tae, sino to?

"Yes po? Sino ka?" I asked.

"Don Paulo Dela Rama. Pau nalang. Flowers, for you." sabi niya. Tae sino ba to? Bakit ngayon ko lang nakita to.

"Ah, thank you."

Bigla niyang binaba yung shades niya. Ano bang problema nito?

"Uhm, paano mo ko nakilala?" tanong ko.

"Hi, step-sister. It's me." sabi niya.

What?!?!?!?

Tama ba itong naririnig ko?

"S-step-sister?"

Hanggang ngayon, nakanganga pa rin ako. Ano bang nangyayari? Step-sister? Kapatid?

A-anak ni Papa?

Biglang may namuong luha sa mata ko. So it means, makikita ko na rin yung tatay ko?

"Ako lang naman ang, TOTOONG anak ng tatay natin." he emphasized the word 'totoong'.

"Totoo? Baka naman? For your information, kami ang totoong pamilya." sobrang pinipigilan kong maiyak. Kasi ayaw kong ipakita sa kanya na naaapektuhan ako sa pang-iiwan samin ng tatay ko.

"Evidences? Do you have? Or do you even know Dad's name?" he asked.

"Stop."

Nakita ko si Kuya sa likod nitong Dela Rama na to.

"Oh brother! Buti naman dumating ka na! You should enlighten our lil' sister. Mukhang hindi pa alam yung totoo e." he said.

Yung mga mata ni Kuya, I can read them. Nakikita kong galit siya pero alam niyang totoo yung mga sinasabi nitong Pau na to.

"Let's just go home, for now. Doon natin pag-usapan lahat." ani Kuya.

"Bakit? Ayaw niyong malaman ng lahat na hindi naman talaga kayo ang tunay na pamilya? That all over these years, hindi niyo pala alam ang totoo? NA ANAK KAYO SA LABAS!" he exclaimed.

Yung mga luha ko, sobrang tumutulo na. Ang dami ng taong nakatingin at nagbubulungan sa amin.

And hindi ko na alam yung gagawin ko. I want to shout back pero hinihila pabalik yung dila ko. Na parang sa tingin nitong Pau na to, wala akong karapatan magsalita.

"Ano hindi ka makapagsalita ngayon? Kasi alam mong totoo yung mga sinasabi ko-" napatigil siya sa mga sinasabi niya dahil may pumutol sa kanya.

"STOP!"

Malaya [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon