# 25

4 1 0
                                    

# 25

[Kath's]

Nag-ayos-ayos na kami for the After Party sa Malacañang. Sabi ni Anna, susunod daw siya pero si Paul, sabi ni Bryan, hindi daw macontact.

Kanina lang nandito siya ah. Bakit ngayon, ni pagsagot lang ng phone, hindi niya magawa?

"Hey, you are so good kanina. I am so proud of you." sabi sakin ni Bryan.

"Thank you. Hindi ko nga iniexpect na ganun yung magiging reaction ng karamihan e."

"Girl ano ba!! Imposibleng walang sasaya sa ginawa niyo. Paano ba naman kasi, MAGALING KAYONG LAHAT! And girl!!!! I am so proud of you!!" ani Jade sabay hug naman ang bruha.

"Hoy girlash, as if I know hindi ka naman talaga nakikinig sa pagkanta ko! Paano busy ka sa jowa mo!"

"Hoy girl! 'Wag kang ano! Feel na feel ko nga pagkanta mo kaya ako napapayakap sa katabi ko no!" sagot naman ng bruha which made us all laugh.

Naging busy na ulit lahat sa pag-aayos. Sabi ni Bryan, mauuna na daw siya kasi pinapadaan pa siya ng parents niya sa bahay nila. Bagong dating lang ata ulit from New York.

Yung Band Age naman, ayun, nagpack na and ready to go na sila. Dumiretso na ata sa Malacañang because they initiated to cook. Wow, Band Age cooking for us. Wow! Kung sinong fangirl ang makakabasa nito, daig ko kayo. Kaboom!

And then, ang magjowa, si Jade at Harry, inaaya na ko kanina pa kasi kukuhanin pa ni Jade yung gamit niya sa bahay nila. E kanina dahil advance ako mag-isip, nagpasundo na ko kay Kuya kasi feeling ko maiiwan talaga ako dito.

"Girl, Harry, 'wag na. Iintayin ko nalang si Kuya dito. As if naman mawawala ako diba? Tsaka sayang effort ni Kuya bumyahe para sunduin ako no. Sige na mauna na kayo. Magkita-kita nalang tayo sa Malacañang. Dadaanan naman daw ako ni Bryan sa bahay. Nasabi ko na din sa kanya kanina."

"Wow, feeling ko girl kayo talaga magkakatuluyan. Suko ka na dyan sa missing in action mong jowa-wanna-be mo. Ni kanina nga di ka pinanuod e." Jade said.

Kung alam mo lang Jade. Andun siya. Pinanuod niya ko.

Umalis na sila and technically, naiwan na naman ako mag-isa.

Umupo nalang ako and I grabbed my phone from my bag pero bigla akong may nakita sa desk.

Nandun siya sa may tabihan ng bag ko.

Box.

Nung binuksan ko, may nakita akong necklace. Yung design is infinity sign na may maliit na pearl sa gitna.

"Did you like it?"

O_______O

Did I hear it right?

Hindi ko alam pero, biglang may tumulong luha sakin.

It's his voice.

After a long time, kinausap na niya ako.

Yes, it's Paul.

Humarap ako sa kanya and nakita ko na nga siya. Kagaya ng suot niya kanina when I saw him.

"Why are you here? Is this from you?" tanong ko.

"I enjoyed watching you sing. You are really good." sabi niya sabay ngiti.

Stop it, Paul. Marupok na kung marupok pero sa bawat ngiti mo, nabibighani ako. So just stop it.

"Is this from you?" I asked once more.

He smiled and nodded. Again, another tear just dropped from my eye.

Bakit ka ba nagkakaganito Paul? Bakit mo sakin ginagawa 'to? Why are making me feel so special?

Malaya [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon