# 17

2 1 0
                                    

# 17

[Kath's]

Tumulo nalang bigla yung mga luha ko.

Ganito pala talaga ako palakulin ng katotohanan.

Nakakainis di pa ko nasanay.

Ilang beses ko na namang nakita sila mag-kiss.

Ilang beses ko na makita silang nagyayakapan, naghaharutan, at nageexpress nung pagmamahal nila sa isa't isa.

Pero iba 'to.

Kasi, nakita ko yung effort.

Nakita ko yung tunay na pagmamahal.

Nakita ko yung sacrifice ni Paul.

I know na si Paul ang may gawa nito kasi parehas kami ng favorite color ni Anna, pink.

Makita ko lang yung ganitong setup, hindi ko maiwasang mainggit.

Hindi ko maiwasang sabihin sa sarili ko na, asa ka kasi ng asa ayan nasasaktan ka.

Hindi ko na kaya.

Akala ko dati, dahil sabi ko lang naman e crush crush lang lahat ng ito, makakayanan ko.

Turns out na na-'like'-an ko siya, at ngayon, mahal ko na siya.

Nagmahal ako ng isang taong may mahal ng iba.

Ayun ang ka-gagahan ko.

Bago pa nila ako mahuli at makita, sinara ko na yung pinto at dumiretso na dun sa restroom na pang-girls.

And doon, dun ko naibuhos lahat ng luha ko.

Lakas mong umiyak Kath. Ano, iniwan ka lang? Naging kayo ba ni Paul para mag-emote ka ng ganyan. E expected mo na naman na mangyayari to.

Na aasa ka. Tapos masasaktan ka.

Bwisit ka. Bwisit ka Kath.

Nagretouch ako. Putek wala akong make-up, tissue lang gamit ko fren. Kasi namumula talaga yung mata ko.

At pagkalabas ko, nakita ko namang nagpphone lang si Bryan at sina Jade at Harry naman nagtatawanan.

"Oh you're— w-what happened?"

Oh holy fudge. Napansin ni Bryan.

Nangingilid na naman yung luha ko. WAAAH! ANO BA KATH! ANG OA MO. NAKAKAINIS KA NA. BWISIT KA.

"Uh- let's go." hinawakan niya yung kamay ko at dinala ako palabas.

"Uh, guys if you wish to have more just get ha. We're just going to talk about something ha. We'll be back." ani Bryan kila Jade at Harry.

Pagkalabas namin, biglang humampas sa mukha ko yung malamig na simoy ng hangin.

Ang sarap. Sobrang refreshing.

Patuloy pa rin ako pumikit para namnamin yung hangin and tumulo na naman yung luha ko.

Hanggang kailan ako iiyak?

Hanggang kailan ako mamumulat sa katotohanan?

Na lahat ng imaginations ko ay basag na basag talaga?

Hirap maging fan girl talaga.

Siguro nga hindi talaga maiintindihan ng karamihan.

Siguro kasi masasaya na sila.

Or di kaya sila yung hinahabol.

At ako, eto nganga.

"I think you already saw it?" binasag ni Bryan yung katahimikan.

Malaya [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon