# 7

3 1 0
                                    

# 7

[Kath's]

"Oh par, nasaan baby mo?" sumulpot bigla si Bryan out of no where na may dala dalang makapal na files.

"Ah, she's buying some goods for us." sagot ni Paul.

Hanggang ngayon, nakatulala pa rin ako.

Hindu ko iniexpect na masasabi 'yon ng ULTIMATE DREAM ko.

Dati, shet, madaplis lang yung sleeves niya sa sleeves ng blouse ko sa school, okay na ko.

Makita ko lang siya from a far, or di kaya kunwari mahagip lang ako ng paningin niya, basta alam kong nakita niya ko, SOBRANG OKAY NA OKAY NA OKAY NA KO.

But today, today was so different. Yung pangarap ko dati, it's already here.

And siya na mismo ang nagsabi, whether I like it or not, kasabay na niya ako sa agos ng buhay niya because, I chose this path.

Never ko itong pagsisisihan Paul. Eto na ata ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

"Hey. You're still wearing your uniform, wanna have some shopping?" tanong sakin ni Bryan.

"Ano ba! 'Wag na. Tsaka, gipit ako ngayon Bryan. It's okay to wear this don't worry. And after all, uuwi rin naman ako."

SHOOT! 'Di pa pala ako nakakapagpaalam kay Kuya.

I was about to text him kaso naunahan na niya ako.

From: Karl "Panget" Ong

Yow 'lil sis. Aalis muna kami ni Lola papuntang Pampanga. We'll stay there for 2 days. Ingatan mo ang bahay and umuwi ka agad. Masunog ka na wag lang ang bahay okay? Tagal mong umuwi di ka na naintay ni La. Bye. Love u.

So for short? Wala akong kasama sa bahay. Waw! Just in time naman itong instant party ko na ito.

Tinext ko siya na may party ako pupuntahan and agad din naman siyang pumayag.

"I'm back!! So ano, let's go? Let's prepare na, for sure they're on their way na rin."

"Sa motor ka na sumakay Kath! I'll drive you papunta doon."

O-oo na sana ako kaso...

"No, samin nalang siya. It's safer here." sabi naman ni Paul.

OH MY GOSH. ANUNA. AKO LANG BA BABAE DITO.

KINIKILIG AKO. HABA NG HAIR.

"He's right Kath. C'mon! Join us!" pagsasapumilit pa ni Anna.

"Ah eh, kasi, nahihilo ako sa kotse. Kay Bryan nalang ako sasabay." sabi ko.

Syempre naman no, sino ba namang martir ang sasabay sa crush niya na may girlfriend na. Kahit naman gaano ko kagusto si Paul, nasasaktan din naman ako.

"We can open the windows if you want. Sumabay ka lang samin." dagdag ni Paul.

"Hey bro, ano bang pinaparating mo, na di ako marunong magdrive? Hindi naman kami makakarating dito kanina if I am reckless, right?" sabat ni Bryan.

"Okay, baby, let's just let Kath be. Kung saan niya gusto, doon siya. Okay?" pagpipigil ni Anna.

Omg. Bakit ba ganito yung aura? Ano bang meron? Sasakay lang naman ako diba? Anong masamang sumakay sa motor ni Bryan? Etong si Paul talaga.

Ay pabebe. Hahahaha.

Kaya naman no choice si Paul at Anna kundi ang pagbigyan ako na kay Bryan sumama.

"Anong meron dun? Bakit ganun yun ngayon?" tanong ko kay Bryan habang inaabot niya sakin yung helmet.

Pero ang nakakapagtaka, hanggang ngayon nakatingin pa rin siya ng masama kay Paul. And ganun din si Paul kay Bryan.

Malaya [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon