# 15

5 1 0
                                    

# 15

[Kath's]

Last day na ng Intrams, at hanggang ngayon, hindi pa rin ako pinapansin ni Bryan. At mas naging close kami ni Paul. As in!

Ewan ko kung ako lang nakakapansin pero mas nasasamahan niya ako kaysa kay Anna na puro cheerleading.

Kaso ngayong araw, wala daw si Paul kasi may training sila sa Football. Diba nga kasi may laban na sila next week. At mukhang magiging boring na naman ang buhay ko sa susunod na linggo.

"Beshie, ang haba ng mukha mo. Anyare?" tanong ni Jade.

Nasa may gazebo kasi kami. Naghihintay na papuntahin lahat ng estudyante sa auditorium para raw sa Awarding.

"KATH!!!!!!!!!!!!!!!" bago ko pa masagot si Jade, putek bigla namang nasulpot si Harry!

"Bakit ba?! Nasigaw ka dyan! Inis ka!" sabi ko.

"Ikaw pa maiinis sakin! E ako na nga magbabalita sayo nito. Alam ko namang wala kayong internet sa bahay." pangmamaliit ni Harry.

"Ay waw! Sorry ha! Nasisi pa nga yung bahay namin. Tol walang ginagawa sayong masama yung bahay namin oh." sabi ko.

"ANO BA KASI YAN BEBE BOY?" tanong ni Jade.

Ayieeee! As if I know kinikilig na at pumapalakpak na pwet ni Harry dahil sa 'bebe boy' ni Jade sa kanya HAHAHAHA.

"Look!"

May pinakita siya saming video.

Ah teka, eto yung cover namin a—

"PUTAKTE!!!!!!!!!!!!!! GIRLALOOOOOOOO!!!! 2 MILLION HITS!!!!!!!!!!!!" sigaw sakin ni Jade.

T-teka ano?

Tiningnan ko kung nakailang views nga AT—

"OH MY GOSSSSSSSH!!!! 2 MILLION NGA!!!!!! TAE!!! NANANAGINIP BA KO? WAIT TEKA!!!!! WAAAAAAAAH!"

Hiniram ko yung iPad ni Harry at binasa yung mga comments.

'Grabe sino siya? Ang ganda-ganda ng boses niya! Make more covers with Band Age, Ate mong Kath! You truly have the talent!'

'She is really good! You can be a part of the band actually!'

'ANG GANDA NG BLENDING NILA NI LYLE! OH MY GOSH! LALO NA SA 3:47. GRABE! ANG GANDA!'

'Ang ganda nung babae!'

'Make more Moira Dela Torre Covers Kath! Your voice is very suitable to that genre!'

'Ang ganda na! Ang ganda pa ng boses! Plus ang galing pa ng Band Age! More power sainyo!'

'Recruit na yan Band Age! Magaling siya promise! Fan mo na ako Ate!'

"GIRL! WAG KA MUNANG UMIYAK!"

E pano ba naman kasi, ikaw ba naman makabasa ng ganito feedbacks sayo, sino ba namang hindi maiiyak haa?

Maya-maya nakikita kong natakbo na ang Band Age papunta sa gazebo kung nasaan ako. At kasunod nila si Paul.

"Kath!! Kath!! Did you see it? Did you see it? Our cover was totally a big hit!!!" sigaw ni Lyle sakin.

"Oo nga e! Kaya they demand us to make more covers with you!" sabi naman ni Toper.

"YOU ROCK KATH!" sabi nila Isaiah at Yuan.

"Grabe guys! Thank you talaga ng marami sa inyo! Hindi naman talaga mangyayari ito kung hindi din dahil sa inyo." mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Shhh stop crying Kath! And you don't need to thank us. You are the one who has that kind of talent and we're just here to nurture it right?" Isaiah said.

Malaya [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon