# 30

2 1 0
                                    

# 30

[Kath's]

Nakalipas ang ilang araw at hindi pa rin kami nagpapansinan ni Anna.

Hindi ko rin alam pero si Paul, laging sa amin sumasama. Kapag lunch time, literal na dumidiretso siya sa classroom namin at iniintay na makalabas ako pati sina Jade at Harry.

I asked him once kung nag-away ba sila ni Anna pero, hindi naman siya sumasagot. He said na pabayaan nalang daw namin ang lahat.

Si Bryan naman, wala ngayong linggo kasi may Leadership Seminar daw siya sa Camiguin. Okay naman naman na kami. Actually, hindi naman ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya e. Kasi alam kong wala naman siyang ginawa sakin.

Kay Anna din naman e. Wala na naman akong sama ng loob sa kanya pero kasi, hindi ko alam pero kapag nakikita ko siya, sumasakit yung dibdib ko and naririnig ko ng paulit-ulit yung mga sinabi niya.

"Hey girl, I heard na break na daw si Anna and Paul." bulong nung isang babaeng nasa kabilang table namin. Naririnig ko pag-uusap nila.

"Girl, hindi naman ata totoo 'yon. Cool off lang siguro kasi may nangyari daw." sagot naman nung isa.

"Gaga, may cool off ba na ganyan? Ibang babae na kasama ni Paul?"

"Can you please stop? Your non-sense bullshits are pushing me to my limit." nagulat nalang kaming tatlo kasi sumigaw si Paul doon sa dalawa.

Akala ko ako lang nakakarinig.

Umalis naman yung dalawa at iniwan yung plato nilang may laman pa.

"But Paul, can you please enlighten us? Ano ba kasing nangyari sainyo ni Anna?" Jade asked.

Nakatuon naman ang pansin namin ngayon kay Paul na ibinaba na yung fork niya and pinunasan yung bibig niya.

"Cool off. I don't want to spill some details but yes, we're just letting the time heals our wounds. She did something, I did something, we both ended up in this situation." pageexplain niya.

Hindi na kami nagsalita pa kasi mukhang wala na namang gana si Paul na pagkwentuhan ang lahat.

Minatahan naman ni Jade si Harry na parang sinasabi na basagin yung katahimikan.

"Ahhhh! Ikaw Kath? Kamusta na naman sa bahay niyo?" ani Harry.

Minatahan din naman ako ni Jade. Punyemas tong babaeng to.

"Ahhh! Wala namang problema as of the moment. Si Papa, patuloy na bumabawi. And ayun, nakakatuwa lang isipin na nagbalik na talaga siya." I said.

Nga pala, nasabi ko na din kasi sa barkada yung sitwasyon namin kaya naman alam na nilang lahat. And nakakatuwa kasi, nandyan lang sila, pati Band Age, si Bryan, at si Paul, nandyan lang sila para suportahan at damayan ako.

"Oh. Buti nalang, so kailan naman kami pwedeng mag-overnight don aber??? Gusto ko ng makita ang mas pinalaki mong kwarto!!!!" excited na sabi ni Jade. Si Paul naman, nakangiti na ngayon at nakikinig sa amin.

"Ah anytime you want!! Kung gusto mo na nga mamaya, go lang e!" sabi ko.

Napagdesisyunan naming mamaya kami magoovernight don. Tinanong ko si Paul kung gusto niyang sumama, pero wag na daw. May aasikasuhin daw siya.

After classes, nag-ayos na ko ng mga gamit ko sa locker. Good thing wala kaming assignments and puro patungkol na sa Practical Research namin yung iintindihin namin this sem.

Pagkaclose ko ng locker ko, bumungad sa gilid ko si...

"Anna?"

Ngumiti siya, pero halata mong pilit. "C-can we talk? Please?"

Malaya [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon