# 11

4 1 0
                                    

# 11

[Kath's]

Kinabukasan, buti naman at nagkaroon na ng time sakin si Jade at si Harry.

"Hoy kayong dalawa, iniwan niyo ko!"

"Asus! Girl! As if I know na tuwang-tuwa ka kahapon sa Secret Date niyo ng baby boy mo!" pang-aasar sakin ni Jade.

"Wait what? Secret Date? Nag-date kayo?" tanong ni Harry na napatigil sa paglalari ng Rules of Survival dahil sa narinig niya.

"Baliw, hindi 'yon date! Nagpapatay lang kami ng oras kasi nakakaloka kayo. Sobrang busy niyo. Ako lang naiwan mag-isa. Kaya sino sasamahan ko?"

"Hoy babae, wag mong ibalik samin ang topic! Wait! Sabi mo kagabi, kumanta ka sa karaoke don? At napanuod ni Paul mo? SO ANONG NANGYARI?" excited na tanong ni Jade.

Pero ewan ko, ang down ng aura ko today.

Parang after ng realizations ko kahapon, nanghina na ako.

Kahapon kasi, sobrang dami talagang naipon na ticket ni Paul and nabigyan niya ako ng maliit na stuffed toy.

Oo! Akala ko nga kay Anna niya ibibigay e pero since ako naman daw yung kasama niya, akin na daw yun.

Kilig! Pero, ewan.

Kung bakit naman kasi nagpapaka-KJ yung utak ko ko sa puso ko e.

"Anuna girl? Tungangey ka na naman dyan! Nag-fly-fly-chikaroo na naman ang brain mo!" ani Jade.

"Walaa! Natuwa lang naman siya nung narinig niya kong kumanta. Pero alam mo gurl, hindi ko alam kung anong sumapi sakin kasi ang ganda talaga ng boses ko!"

"Ano ba Kath. Maganda naman talaga boses mo e. Ayaw mo lang talaga ilabas kasi ang akala mo, pang-banyo lang 'yang talent mo." suporta sakin ni Harry.

"True siya doon besty. Maganda talaga voice mo. Talo mo pa nga yung mga patay sa pagkalamig ng boses e." PANG-AASAR NI JADE AT DAHIL DOON NAKATANGGAP SIYA NG MATINDING HAMPAS MULA SA MAGAGANDA KONG MGA KAMAY.

"Anoba!! Joke lang kasi! E kasi naman ayaw mong sumali sa clubs, inaaya ka ng dati na sumali sa Student Body, for short ayaw mong maging active sa school! Paano mapapansin 'yang talent mo kung puro ka hanash dyan diba. Magaling ka talaga kumanta besty kaya wag ka ng maarti. OHA RHYMING!" banat ng bruhilda.

"HOY KATH! ANG GANDA NG BOSES MO! BAKIT KA GANITO?" sigaw sakin nung mga babaeng nasa likuran.

Napa-huh look naman ako at kaagad nilang pinakita sakin yung video ko.

"SAAN GALING YAAAAAAN?"

Sa pagsigaw ko, biglang may kumatok sa pinto.

"Uhm, hi!" at bumungad samin si Isaiah, member ng Band Age. At nasa likuran niya, sumulpot yung tatlo pa.

At dahil doon, nagtilian ang mga bruhilda ko ring mga kaklase. Isama mo na si Jade.

Hays. Nakakaloka.

"Can we excuse Kath? And her friends?" napatingin naman sila sakin.

"Sinong friends?" tanong ni Jenica, kaklase ko.

"Uhm the two buds beside her?" sagot niya.

Si Jade at Harry?

"Anna's calling for the three of you, sa band room."

And wala naman kaming choice kundi ang sumunod sa kanila.

Habang naglalakad kaminsa corridor, grabe para kaming alalay ng artista dito ah! As in lahat sila nakatingin sa Band Age.

Malaya [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon