# 14

3 1 0
                                    

# 14

[Kath's]

"Uhm, back when I was a child, hindi na talaga maayos yung relasyon namin ni Kuya. He's too smart. Hindi ako maka-ride sa kanya. He's too envy sakin. Pero kung tutuusin, he's the ideal son any parent could have. He's smart, responsible, basta, he's perfect. Kapag may reunions, may meet-ups, and kailangan naming sumama ni Kuya, siya lagi ang binibida ni Mom and Dad. And ako, I am always there to applaud him. To support him. Because, he's my brother. He's my idol. Pero wala, still, inggit siya sakin. I have nothing. Yes, I may have the looks. But he also has. I may have the knowledge, he has more than what I have. Wala akong ibang ginawa kundi ang suportahan siya." kwento ni Paul.

Wala naman akong ibang gawin kundi ang makinig sa kanya dahil sobrang seryoso niya.

"And now, I don't know what happened to him. Naging basagulero. Pariwara ang buhay. All the opportunities in front of him, lahat yun naglaho. Masyado siyang nagpalamon sa inggit niya sakin. Ngayon, sinisisi niya ko kung bakit nangyayari ang lahat-lahat ng iyon sa kanya. But to be honest? Siya. Siya ang gumawa ng lahat ng iyon. Isa yun sa mga dahilan kung bakit kami nagkakaganito ngayon. Kung bakit laging wala si Dad sa bahay. It's because sobra siyang tutok sa work. Si Mom, she's busy with her friends. Going domestic, sometimes abroad, without us knowing about it. Mom said, kaya siya ganyan is because of Dad, and Dad said kaya siya ganyan is because of Mom. Ewan ang gulo. I want to hate Mom because of Dad. Dahil sa kanya, nagkaroon ng kabit si Dad. And I want to hate Dad because, kung hindi dahil sa kanya, hindi kami nagkakaganito."

Habang nagkkwento si Paul. Hindi mo makikita na naiinis siya and nanggagalaiti. Pero sa bawat salita na binibitiwan niya, mabibigat. May laman.

"B-bakit ba? Anong bang dahilan?" tanong ko.

Pero nakita kong may pumatak na luha mula sa mga mata ni Paul. At ngayon, hindi ko alam pero seryoso, dire-diretso na yung pagbagsak ng mga luha niya.

Hindi ko alam kung anong lakas ng loob yung dumapo sakin at ginagawa ko ito ngayon.

Niyakap ko siya.

Niyakap ko siya, oo. Pero hindi ito yung panahon para kiligin.

Kasi ewan ko, sa pagyakap ko, punung-puno ng sakit. Unang beses ko siyang makita na nagkakaganito. Na parang despite of those times na iniistalk ko siya, nakangiti lang siya. Kapag may game sila sa football, ang tatag-tatag niya. Kapag sa kanila ni Anna, ang gentle niya.

But now, he's the total opposite of the Paul Villanueva I've ever known.

"I-I-I am tired. I'm tired to be their son."

At dahil doon, hindi ko alam pero napaluha ako.

Kasi dati, napapagod na din ako maging anak ng nanay ko. Nabubully ako because, wala akong tatay. I want to show them pictures pero wala ni isa. Gusto kong sabihin sa kanila na hindi ako ampon pero wala.

Pero nung mga panahong naiisip ko na bakit ko ba sila papatulan kung meron naman akong nanay who do both? Bakit ako papalamon sa iba? Bakit ko kailangan mapagod maging anak niya kung ang kailangan niya ay yung magiging matatag para sa aming pamilya?

"Alam mo Paul, hindi masamang mapagod. Hindi masamang umiyak. Pero ang lagi mong tandaan ay wala tayong magagawa sa kung ano man ang nangyayari sa buhay natin. Ang kailangan natin ay maging matatag. And magtiwala kay God. Malalagpasan mo rin yan Paul. Maraming tao ang nagmamahal sayo. Kabilang na ko doon."

This time, pinunasan niyan yung mga luha niya and pinilit na ngumiti.

"Good thing that there's someone who loves me. And who'll always be there for me." aniya.

Malaya [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon