# 27

2 1 0
                                    

# 27

[Kath's]

Nasa dining table kami ng bahay nila Papa. Naka-serve samin ang sobrang daming food and patuloy pa ring naglalabas ang mga servers and maids dito ng mga pagkain.

"Mga anak, kain lang kayo. Marami pang mga pagkain. Feel at home." he said.

"Okay na po ako. Busog na po ako." sagot ko naman.

I don't know but I feel awkward.

Awkward kasi alam kong marami pa akong gustong itanong sa kanya.

Nasaan kaya yung asawa niya? Bakit hindi ko nakikita? Okay lang ba nandito kami? Baka naman mamaya sampalin ako kasi nandito kaming mga anak ni Papa sa labas?

Naging tahimik ang atmospera at muli itong binasag ni Papa.

"I missed you both."

At dahil doon, tumulo ang aking mga luha. I missed him. Because I thought that wala na siya. Na akala ko wala na akong makikilalang ama.

Pero akala ko lang pala. And there he is right now.

"You missed us? After so many years? Ngayon papupuntahin mo kami dito while saying you missed us? Nasaan ang asawa mo? Nasaan siya? Baka naman mamaya maltratuhin na naman niya kami, idegrade, ipahiya gaya ng ginawa samin ng anak mo kanina. Tell me, nasaan siya? Para naman makaalis na kami." ani Kuya.

Ramdam ko yung galit sa tinig ni Kuya. Pero wala naman akong magawa. Because I know nothing. Wala akong alam sa mga nangyayari. I don't know his wife. I don't know what happened before.

"She's gone. 3 years ago." Papa said.

"3 years ago? And yet ngayon ka lang nagkaroon ng lakas ng loob to find us. To look for us. To check on us. Kung buhay pa ba kami. Kung nakakakain pa ba kami. Kung nakakapag-aral ba kami. Kung masaya ba kami. Do you even know that Mama is dead? Kasi parang hindi! Parang hindi!" this time, Kuya is shouting.

Pinilit kong pigilan siya pero hindi. Hindi siya paawat.

"Do you even know how hard it is for and for Kath to live without a father? Alam mo ba yung pakiramdam na sa bawat araw ng pagsisinungaling ko kay Kath, araw-araw ko ring tinatanong sa sarili ko na nasaan kaya si Papa? Bakit kaya hindi niya kami pinanindigan? Bakit niya iyon ginawa kay Mama? Ganon! Ganoong ganoon yung nararamdaman ko! Kasi pakiramdam ko, nagiging tanga na yung kapatid ko sa paniniwalang nambabae ka. At kahit naman din ako e, nasasaktan din ako! Nasasaktan din ako kasi imbis na may tatay akong pumoprotekta sakin, wala! Wala!"

Nakita kong umiiyak si Papa. I can see his pain. I can see his anger, not to us, but to himself.

"I just did what I need to do. Oo mga anak, kasalanan ko itong lahat. Kasalanan ko na nagpaka-duwag ako. Kasalanan ko na masyado akong natakot sa responsibilidad. Kasalanan ko na gumawa ako ng isang hakbang na alam kong hindi ko rin naman mapapanindigan. Oo, tatlong taon na ang nakalipas nung mamatay ang asawa ko. At maraming taon na ang nakaraan ng huli ko kayong nakita. Na huli ko kayong nakasama pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ko kayo pinabantayan." ani Papa.

Hindi ko alam pero tulo lang ng tulo itong mga luha ko.

Nararamdaman ko kasi yung sakit. Sakit na wala kang kinagisnang ama. Sakit nung malaman kong ganoon pala kami. Mga anak sa labas. Sobrang sakit and hindi ko alam kung paano ko itong matatanggap.

Maya-maya, biglang bumukas yung pinto sa may kusina.

"L-Lola?"

My eyes opened widely. S-si Lola? Bakit siya nandito?

Malaya [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon