Chapter one

7.3K 60 3
                                    

"Go finish your thesis!" Sigaw saakin ni Mommy bago siya tuluyang umakyat sa hagdanang bato.

Nang mawala na siya sa paningin ko, napa irap nalang ako at padabog na sinarado ang laptop ko. Naramdaman ko naman ang paglapit ni Yaya Elen saakin na dala dala ang isang baso ng pinapatimpla ko sakanyang chocolate milk.

"Hayaan mo na ang Mommy mo. Baka marami na namang naging problema sa Hospital." Mahinahong sabi ni Yaya Elen.

Kinuha ko na ang baso ng chocolate milk at nag pakawala ng buntong hininga.

"Thanks, 'ya." Sabi ko at umakyat narin papunta sa kwarto ko.

Bago pa man makapasok sa loob, namataan ko ang papalabas na si Mommy sa pinto ng kanyang kwarto. Mabilis na akong pumasok sa loob ng kwarto ko para hindi na kami mag pang abot pang dalawa.

Sawang sawa na ako kinse minutos o di kaya'y trenta minutos niyang pag bubunganga saakin. Paulit ulit nalang. Nilapag ko na ang laptop ko sa study table at 'yung baso ng chocolate milk.

"Mikee," hindi pa man ako nakakaupo sa kama ko ay narinig ko na naman ang boses ni Mommy sa likod ng pintuan.

Ano na naman kayang sermon ang sasabihin niya saakin? Hindi pa ba siya tapos?

Tamad akong pumunta sa harap ng pinto at binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Tumambad saakin si Mommy na suot ang kanyang puting sutlang roba at nakapusod ang buhok niya.

Tanggal narin ang make up niya ngunit may kaunti pang natitira sa mga mata niya. Mas bumabata talaga ang itsura ni Mommy sa tuwing wala siyang make up. Pinapakita nito ang bilugan niyang mga mata at kahit na may edad na, hindi mo 'yon makikita sakanya dahil sa ganda at kinis ng balat niya.

Satingin ko nga'y kaya niya mas tinatapangan ang make up niya sa tuwing papasok siya ay para mag mukhang superior ang tingin ng mga nag ta trabaho sakanya. Mas makita ang tapang nito kahit na sa likod ay ang kahinaan ni Mommy. Ang malambot niyang puso.

Napababa ako ng tingin sa hawak niyang apat o limang folders na siyang inaabot saakin. Tinignan ko naman ang mga iyon at tinanggap.

"Ano 'to?"

"Aralin mo lahat ng 'yan," Hindi ko pa man binubuklat ay may pinatong na siyang flashdrive sa ibabaw nito. 

"May power point presentation ka by tomorrow sa Company nila Mrs. Wartz. Don't be late. Be there at 8am—before 8am." She said with authoritative tone. It's like I'm one of her employees.

Habang iniisa isa kong tignan ang mga 'yon. Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan. "Please anak, huwag mo akong pahiyain doon." Dagdag pa ni Mommy kaya napatingin ako sakanya.

Kunot ang noo kong napatingin sakanya. Yung mukha niya ngayon ay bihira ko lang makita sakanya sa tuwing kausap niya ako. Ang mga mata niyang natural na nakikiusap saakin na mag punta ako bukas sa kompanya nung Mrs. Wartz what–so–ever na hindi ko naman kilala.

"Marami akong gagawin bukas, Ma. Hindi ako makakapunta dyan." Sabi ko at ibinalik sakanya ang mga folders na binigay niya. Kita ko ang mariin na pagpikit niya na parang pinapakalma niya ang sarili niya.

I know her, ayaw na ayaw niyang tinatanggihan ang offer niya lalong lalo na kapag nag exert talaga siya ng effort para dito. At satingin ko, malaking effort ang ibinigay niya dito. 

It's a big company, I guess, but I don't give a damn about it.

"Alam mo ba kung ano itong tinatanggihan mo?" Nanliliit ang mga matang sabi niya.

"Marami kang gagawin? Anong gagawin mo? Pupunta ng mall kasama ang mga kaibigan and then what? Mag papang abot hanggang madaling araw sa club? Mikee, you're 21 but you're still acting like a teenager! You supposed to have a Job by now kung tinapos mo lang 'yang thesis mo at on time kang naka graduate!" Bulyaw niya saakin na para siyang nagiging dragon na dahil sa init ng ulo. 

Last RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon