Guys! Kakatanggap ko lang sa trabaho! Tara, inom tayo! Sagot ko!
Nakatunganga lang ako sa phone ko buong mag hapon habang hinihintay ang mga reply nila. Niyaya ko sila Les uminom ngayon.
Gusto kong mag celebrate sa biglaang pagka-tanggap ko sa trabaho at syaka madalang narin kami kung magkita-kita. Nagiging busy na sila sa kanya kanya nilang mga buhay.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama at pinasadahan ng tingin ang buong paligid. Ito nalang ang nakikita ko araw-araw. Nakakasawa't nakaka buryo din na paulit ulit nalang ang nagiging routine ko. Pakiramdam ko kapag hinayaan ko pa ang sarili kong manatili dito, lalamunin na ako ng silid na ito ng husto.
Siguro'y tama narin na magkaroon ako ng trabaho para rin sa sarili ko. Para may pinag kakaabalahan ako. Tama si Mommy na kakailanganin ko ito pag dating ng tamang panahon.
Tumunog ang cellphone ko kaya napababa ako ng tingin sa kama at kinuha ko agad iyon. Nag reply sila sa mga text ko at binasa ko isa isa ang mga iyon.
Polo:
Can't go, Mikee... Shin and I are in the middle of meeting on our wedding organizer. But as soon as this ends, sunod ako. Cheers, congrats!
Valie:
Congrats girl! Kaso hindi ako pwede. I'm waiting for the results of my Job Interview last thursday. Sorry, bawi ako...
Les:
Woah! That's unexpected! Congrats! Nandito ako ngayon sa Airport, susundo kay Tita. I'll try, Mikee. Send me the location.
Yiko:
Aw, Mikee. Umalis si Aira kaya ako ang magbabantay kay Nicki. Congrats sayo! Kwento mo nalang saakin kapag napa tambay sa Studio. CHEERS!
Jaydy:
Nako, kasama ko ngayon ang family ni Eunice sa Restaurant. Birthday kasi ng Mama niya eh. Isali niyo nalang ako sa tagay ha! Congrats Mikee!
Padarang kong ibinato ang cellphone sa kama ko. Tumalbog iyon bago namayapang lumapag sa kama.
I sighed. I guess, this is gonna be my day. Lahat sila'y may mga ginagawa o 'di kaya naman, sasabihing susunod nalang.
Napahalukipkip ako at matalim na tinignan ang saradong pintuan sa harapan ko.
Sinong gusto ng hindi sigurado?
Kinuha ko ang car keys ko at napag desisyunan na mag celebrate nalang mag isa. Tutal wala naman taong pwedeng maki-celebrate saakin ngayong araw. What's with the celebration anyway? Ano ba ang dapat iselebra ko ngayong araw na 'to.
Para matahimik ang utak ko sa pag tatanong, pinasok ko nalang sa isipan ko na gusto kong umalis ng bahay namin at makapag gala gala. Pampalubag loob sa pag iisip kong i-celebrate ang pagkatanggap sa kompanyang iyon.
This day is just like the ordinary days for the past twenty six years of my existence. I caught Yaya Elen drinking her usual green tea in our garden. Everything feel and looks normal. Walang ka-espe-espesyal.
Natawa ako ng bahagya.
Ako lang ata itong nag iisip na magiging makabuluhan ang araw na ito.
Nag punta nalang ako sa isang Samgyeopsal Restaurant sa Makati. Naupo na ako sa may dulo at katabi ko ang malaking bintanang salamin.
Umorder ako ng dalawang beer at nag simula na akong mag luto sa harapan ko ng dumating na ang mga inorder kong karne.
Habang hinihintay ko ang pagluto ng mga beef, hindi ko mapigilang tumambay ng tingin sa mga taong kumakain at umiinom habang may ka-kwentuhan at katawanan.
BINABASA MO ANG
Last Rose
RomanceMeet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always skating on thin ice at school, prefers clubbing to studying, and treats liquor like it's water. But don't judge too quickly-underneath her rou...