"Kijan," nauutal kong pag sambit sa pangalan niya.
Dala ng pag kagulat ko ng makita ko siya, hindi ako nakagalaw sa pwesto ko na tila para akong napako sa kinatatayuan ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko pero hindi ko padin inaalis ang mga tingin ko sakanya.
Nang hina ang mga tuhod ko ng makita ko ang paglakad niya ng tuluyan papasok sa loob ng Restaurant na para bang hindi ako nakita o hindi ako kilala.
Oo nga pala, matagal na kaming tapos.
Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago mag patuloy lumakad papalabas ng Restaurant. Gusto ko ng makaalis sa lugar na 'to na sana hindi ko nalang pala pinuntahan. Pumasok na ako sa loob ng sasakyan ko at sumulyap kay Kijan na siyang nasa loob ng Restaurant at ngayon ay masayang nakikipag kamay sa isang lalakeng may katandaan na.
Napangiti ako sa kawalan at napahawak ng mahigpit sa manibela ko. "Parang wala lang sakanyang nakita ako." Nasabi ko nalang at inalis ang mga tingin doon.
Binuksan ko na ang makina ng sasakyan ko at nag diretsyo ng magmaneho.
2018
Ang seryoso talaga mag usap ng mag-amang 'to. Kami naman ni Mommy hindi ganiyan kahit na puro bangayan ang ginagawa naming dalawa kapag nasa bahay. Madalas pa nga kahit na magkasalubong hindi kami nagpapansinan. Sanayan nalang siguro pero ngayong mga nakaraang araw, nagiging maayos ang pakiki-tungo namin sa isa't isa. Improving diba?
2015 is really not my year at kahit pa ang mga sumunod na taon. Kahit naman hilingin ko ng hilingin na 'please be good to me' talagang may mga hindi inaasahang pangyayari na sana hindi nalang talaga ngyari at dumating pa sa buhay mo. Ewan ko ba, magmula ng umibig ako ng wagas at nagpaka tanga sa isang tao, sunod sunod na kamalasan na ang dumating sa buhay ko.
Mali yata ang umibig ako kaya naman hindi na ako sumugal pa sa letsheng pag-ibig na 'yan. Hiling ko lang naman magkaroon ng lovelife pero itong si mareng universe hindi magawang ibigay ang forever ko. Wala pa siguro sa tamang oras at panahon para dumating ang right one para saakin kaya ngayon, proud akong single ako.
Napa ayos ako ng upo ko ng marinig ko ang pagsarado ng pintuan. Ang lalim kasi ng iniisip ko at kung ano ano ang pumasok sa utak ko kaya hindi ko na narinig pa ang paguusap nilang mag-ama para narin konting chismis tungkol sa pag uusap nilang dalawa. Narinig ko ang dalawang beses na pagkatok sa pintuan ng walk in closet kung saan ako pinasok ni Dace.
Lechugas! Pano ko kaya mabubuksan kung ang dilim dilim ng paligid? Kinapa kapa ko ang paligid ko habang patayo at sumandal sa pader. Sino ba namang makakakita sa dilim nito diba plus my night blindness pa ako. So pano na? Naging bulag na akong tuluyan dito?
Nang mahawakan ko ang pihitan ng pintuan, bubuksan ko na sana ito ng bigla itong bumukas at nakita ko na ang liwanag.. Oh my, nasa langit na ba ako? Napapikit ako dahil sa pagkasilaw ng makita ko ang ilaw na nanggagaling sa kwarto ni Dace at dahil narin nasa harap ko ang kupal na 'to. Kinusot kusot ko ang mata ko dahil sa nagdidilim padin ang paningin ko. Ilang minuto ba naman kasi akong nasa loob ng walk in closet na 'to na sobrang dilim pa kaya syempre kapag nakakita ng liwanag ang mata ko, sasakit talaga.
"Huwag mong kusutin ang mata mo. Mai-irritate." Rinig kong sabi ni Dace kaya napatunhay ako sakanya. Doctor lang ang pig? Eh, masakit eh. Umalis na siya sa harapan ko at bumalik na sa pagkakahiga sa kama niya.
BINABASA MO ANG
Last Rose
RomanceMeet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always skating on thin ice at school, prefers clubbing to studying, and treats liquor like it's water. But don't judge too quickly-underneath her rou...