Panay nalang ang buntong hininga ko habang nag lalakad papalabas ng department. Hindi pa gaano ganun kalalim ang gabi at napansin ko rin na marami din ang nag o-over time ngayon. Pinindot ko na ang button elevator na agad din namang bumukas at pumasok na ako. Pipindutin ko na sana ang ground floor ng makita kong naka pindot na iyon. Paniguradong ang kasabay ko ngayon ay pababa din.
Tumingin na ako sa gilid ko at mula dito sa loob ng elevator, tanaw na tanaw ko ang mailaw na nagtataasang buildings sa labas. Napatingin ako sa langit at napaka dilim na ng ulap ngunit walang mga bituin. Uulan kaya?Wala pa naman akong dalang kotse.
Nawala ako sa pag iisip kung pa-paano ako makakauwi ng marinig ko nalang ang pag hikbi at tunog na umiiyak ng isang tao. Dahan dahan akong napatingin sakanya at kita kong nakayuko siya habang tuloy lang sa paghikbi. Parang ganito yung mga napapanood ko sa movies! Tatanungin mo kung anong problema niya tapos palakas ng palakas ang iyak sabay isa pala siyang multo—ano ba 'tong iniisip ko?
Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa pag tingin sa labas nitong elevator pero hindi ko talaga mapigilan ang ma-patanong sa sarili ko kung tao o multo ba ang lalakeng 'to. Lalo pang lumakas ang pag iyak niya. Ntatakot na talaga ako ah! Tumunog na ang elevator hudyat na nasa groundfloor na kami. Dali dali na akong tumakbo palabas at napalingon nalang ako doon sa lalake habang tumatakbo at nakita kong nandun parin siya at nakayuko at hindi gumagalaw sa kinatatayuan niya. Multo nga siguro talaga 'yon!
Tuluyan na akong nakalabas ng Querencia. Grabe yung tinakbo ko! Parang ito ang kauna-unahang tumakbo ako ng ganun kabilis, ha? Napahawak ang isang kamay ko sa poste habang hinahabol ang pag hinga ko. Tumayo na ako ng maayos dahil napapansin ko na ang mga taong napapatingin saakin kapag nadadaanan ako. Naaninag ng mga mata ko ang isang pamilyar na lalake na siyang nakatayo sa harap ng isang napaka gandang itim na sasakyan habang may kausap sa cellphone niya.
Mag lalakad na sana ako papalapit doon sa lalake ng biglang may kumalabit sa likod ko kaya napaharap ako at nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
Ang mga damit na suot niya.
Ang kulot nitong buhok.
Ang pustura ng pangangatawan niya.
Tatakbo na sana ako pero bigla niyang hinigit ang kamay ko. Multo siya diba? Bakit niya ako nahahawakan? Natigil ako sa pag sisigaw at kumalma. Sapilitan kong inalis ang kamay kong hawak hawak niya pero masyado siyang malakas kaya hindi ko mabawi. Ugh, ano ba 'to!
Nakita ko naman ang pag ngisi niya habang ako abalang abala sa pag tatanggal ng kamay ko na hawak hawak niya. Ano bang klaseng lalake 'to?! Harassment 'to ah! Binigay ko na ang full force ko para bawiin ang kamay ko mula sakanya pero malakas talaga siya.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Singhal ko habang inaalis ang kamay niyang nakakapit padin sa kamay ko pero bigla niya akong binitawan ng walang pasabi kaya napahiga ako sa semento. Napapikit nalang ako dahil sa sakit ng pag kakabagsak ko.
"Aray!" Padaing na sigaw ko. "Bakit mo naman ginawa 'yon?!" Galit na sabi ko at tinapunan siya ng tingin.
"Sabi mo bitawan kita." Tumatawang sabi niya. Ano bang klaseng lalake 'to? Baliw na ata 'to, eh! "Akin na." Inihaya niya ang kamay niya sa harapan ko habang ang isa naman ay nakapamulsa.
Isang matalim na tingin lang ang ibinalik ko sakanya at pinalo ang kamay niyang nakahaya sa harapan ko. Kaya kong mag isa, noh! Tatayo na sana ako pero bigla akong natigilan ng kumirot ang bandang paanan ko. Maling mali talaga ang pag kakabagsak ko.
BINABASA MO ANG
Last Rose
RomanceMeet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always skating on thin ice at school, prefers clubbing to studying, and treats liquor like it's water. But don't judge too quickly-underneath her rou...