Tapos narin sa wakas ang three days suspension ko at ngayon, papasok na ako sa trabaho. Wala halos akong ginawa sa bahay kundi ang makipag kwentuhan ng walang humpay kay Yaya Elen. Kabisado ko na ang naging buhay niya sa mahigit limampu't anim na taong gulang siyang namumuhay sa mundong. Kahit pa ang pagiging byuda niya ay napag kwentuhan nadin naming dalawa.Nakatayo ako ngayon sa elevator kung saan paakyat na ako papuntang department. Ano na naman kayang mangyayari sa araw na 'to? Hindi naman na siguro ako mapupunta sa hospital o 'di kaya naman masususpend. Buti na nga lang at walang Dace akong nakita sa tatlong araw kaya iwas kamalasan.
Bumukas na ang elevator. Lalakad na sana ako papasok ng mag taka akong wala ni isang tao ang pumapasok sa loob kahit pa madaming nag aabang sa elevator na 'to. Nilingon ko ang mga taong nasa likod ko kanina pero lahat iyon nag laho. Ang weird talaga ng mga tao dito sa kompanyang 'to.
Ibinalik ko na ang tingin ko papasok sa elevator pero natigilan ako ng makita ko siya.
Si Kijan..
Sa dinami dami ba namang tao ang makikita ko itong tao pa talaga.
Iniwas ko nalang ang tingin ko sakanya at nag tuloy pumasok sa loob ng elevator. Pinindot ko na ang floor ko. Sobrang tahimik lang ng paligid na tila wala ni isa saamin ang gustong mag salita. Gustong gusto ko na makaalis sa elevator na 'to. Ayoko rin naman makasama siya dito kung hindi lang kay Mr. Zhi Shu dahil alam kong sermon ang abot ko kapag na late na naman ako.
Maya maya lang, tumunog na ang elevator kung saan ang floor ko. Sa wakas, makakalabas na rin sa impyerno. Akmang aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko at isinarado ulit ang elevator. Iniharap niya ako sakanya at doon ko mas nakita ng malapitan ulit ang mukha niya.
"Bitawan mo ako kung ayaw mong pindutin ko ang emergency button." Pagbanta ko sakanya.
"Mag usap tayo." Malumanay na sabi niya at dahan dahang binitawan ang kamay ko.
"Tungkol saan?" Sabi ko at isinaayos sa pag kakasumbit ang shoulder bag ko. "Tungkol sa pang babastos mo sakin? Marami pa ba tayong dapat pag usapan? Satingin ko kasi, matagal ng wala. Kaya pwede ba, pag nakita mo ako ulit umakto ka nalang na kailan man hindi tayo nagkakilala." Matapang na sabi ko sakanya at tumalikod na para buksan ang elevator.
Nag tuloy na ako mag punta sa department. Nakita ko namang papalabas si Anj at Cha. "Good morning, welcome back!" Bati nila saakin. Aba, iba ata ang ihip ng hangin? Parang kailan lang hindi nila ako magawang batiin nung dumating ako noon dahil sa sobrang busy nila.
"Saan ang punta niyo?" Tanong ko sakanilang dalawa.
"Mag kakape muna kami. Nakaka stress na sa loob umagang umaga eh." Sabi ni Anj.
"Sama ka?" Aya saakin ni Cha. Nag aalangan pa akong sumagot dahil kakailanganin kong magpakita muna kay Mr. Zhi Shu. "Nako bakla. Huwag mong alalahanin si shihtzu. Siya ang dahilan kung bakit kami na iis-stress." Sabi pa ni Cha at hinigit na ang kamay ko ng walang sabi sabi at isinama sakanilang tatlo para mag lakad.
Nakapunta na kami sa Coffee shop dito lang din sa loob ng Querencia. Hindi ko akalain na makakapunta ulit ako dito as a employee na talaga sa Kompanyang ito. Pinaupo na ako nila Cha at Anj pero hindi ko padin makuha kung bakit ang bait ng dalawang 'to saakin at sila pa daw ang mismong manlilibre saakin. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali sakanila o sadyang trip lang nila ako.
Napaka weird talaga sa Company na 'to.
Habang hinihintay silang mag order, kinuha ko muna ang cellphone ko at nag browse muna sa Social Media. Hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang pamilyar na lalakeng nakaupo sa di-kalayuan. Ibinaba ko ang cellphone ko at tinignan ng mabuti kung sino 'yon.
BINABASA MO ANG
Last Rose
RomanceMeet Mikee Hauser, a rebellious whirlwind with a mouth like a sailor and a love for laziness. She's always skating on thin ice at school, prefers clubbing to studying, and treats liquor like it's water. But don't judge too quickly-underneath her rou...