Chapter thirty seven

923 17 0
                                    

Maulan at malamig na umaga ang gumising saakin mula sa mahimbing na pagkakatulog ko. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong tulog na tulog padin si Kijan habang nakapulupot ang kamay niya sa baiwang ko. Gumuhit ang ngiti sa labi ko habang nakatingin sakanya.

Ilang minuto muna akong nahiga sa tabi niya at walang sawang tinitigan siya bago pa ako dahan dahang bumangon. Mas pinili ko munang hindi siya gisingin dahil naisipan kong ako ang mag hahanda ng agahan naming dalawa.

Matagal tagal nadin kasi ng huli ko siyang lutuan at ang Sinigang na Baboy pa na maraming naging nakaraan saaming dalawa. Tsk, badtrip.

Hindi ko pa naitatanong sakanya kung ano ba talaga ang naging relasyon nila ni Iowa noon. Para kasi saakin mas mabuti ng huwag pag usapan ang nakaraan kasi nga pag pinag uusapan, away ang kasunod kaya 'wag nalang. Shut up nalang. Gusto kong siya mismo ang mag open-up about dun, hindi ako.

Lumabas ako ng kwarto at nag diretsyong mag punta sa kusina para mag hanap ng lulutuin. Binuksan ko ang fridge at mga cabinet pero wala ni isa akong makitang pwedeng lutuin dito. Nag tataka akong nakatingin sa mga fridge at cabinet habang napapaisip kung pa-paano nagawang mag luto ni Kijan ng chinese food kagabi. Ang sasarap ng mga niluto niya na parang mga Authentic chinese food ang mga 'yon galing sa Restaurant.

Tinignan ko ang trash can na malapit sa may sink at nakita ko ang isang malaking paper bag na may word na pang chinese. Hindi ko maintindihan kung ano ang nakasulat dahil malamang alabang hindi naman ako chinese, duh? Pero minsan ko ng nakita Restaurant na ganito ang nakalagay sa tapat lang nitong Hotel.

"Hay, hindi ko namalayang nalinlang na naman niya ako." Umiiling na sabi ko habang hawak hawak ang paper bag at nakatingin doon.

Kaya pala pinaligo niya muna ako kagabi at dahil nga sa matagal akong maligo, naabutan ko na siyang nag luluto na animo'y isang napaka galing na Chef sa buong mundo. 'Yon pala iniiinit lang ang mga binili niyang pagkain sa baba. Pambihira.

Ngayon pakikitaan at patitikimin ko siya ng lutong bahay. Nag punta ulit ako sa kwarto niya at nakita kong tulog padin siya kaya dahan dahan akong naglakad papunta sa may walk in closet niya at nag hanap ng damit na pwedeng suotin papunta ng Grocery store dyan sa malapit. Ang lamig lamig kaya hindi naman pwedeng napaka nipis na damit lang ang suotin ko, ano?

Basta ko nalang kinuha ang jacket na nakasampay sa cabinet niya. Ang cute kasi eh, color pink. Pagkadating ko ng Grocery store, hindi ko pa alam ang lulutuin ko kaya nag ikot ikot muna ako at doon napagisip isip kong sopas nalang ang iluluto ko ngayong agahan madali lang naman 'yon and since maulan masarap din mag luto nun.

Kinuha ko ang mga ingredients sa pagluluto ng sopas. Madalas kasi itong lutuin ni Yaya Elen pag maulan at dahil sa sakitin akong tao, ito ang palagi niyang niluluto o 'di kaya naman lugaw. Hays, namimiss ko tuloy ang Yaya Elen ko.. Na-text ko na siya kagabi pero hindi pa niya ako sinasagot. Tinatawagan ko din ang cellphone niya pero nag ri-ring lang. Baka nanonood na naman 'yon ng mga paborito niyang teleserye o yung mga Korean Dramas. Hindi kasi siya maisto-istorbo kapag nakatutok na siya sa pinapanood niya.

Matapos kong mamili, nag punta na ako sa may counter. Wala naman pila dahil kaunti palang ang mga tao at maaga parin kasi kaya konti palang ang mga namimili.

"Five hundred and sixty six pesos po, Ma'am." Sabi ng kahera.

Kinuha ko ang credit card na nasa likod ng cellphone case ko at ibinigay sakanya. Lagi ko talagang dala ang card ko na 'yan dahil naiiwan ko din minsan ang wallet. Kaya kumuha ako ng isa sa mga credit card ko at isinuksok sa loob. Gaya nalang ng mga ganitong pangyayari, nandyan ang cellphone case mo para mag silbing instant wallet nadin.

Last RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon