Chapter twenty eight

1K 20 1
                                    

"Kahit mayroong isang bilyong dahilan para sumaya, madalas nalulungkot tayo ng dahil sa ISA. You meet thousands of people in this world but none of them meant to stay. And then you'll meet one person, and your life change forever." Sabi ng babaeng nagsasalita sa Radio habang ako ay nagmamaneho papuntang Mall para i-meet si Val.

Sobrang ganda talaga ng pagsisimula ng araw ko tapos ito agad ang maririnig ko. Hindi ko ba alam kung panama ba saakin ang sinabi niyang 'yan or nag a-advice lang siya sa mga nakikinig sakanya?

Inis kong pinatay ang Radio at muling ibinaik ang atensyon ko sa pag mamaneho. Tanghali ngayon at kasalukuyan ng nakikipag sapalaran sa traffic. Nakakapang init na nga ng ulo ang init, sinabayan pa ng traffic at pang heartbroken na qoute. So ano na?

Habang hinihintay ang pag usad ng traffic, kinuha ko muna ang cellphone ko at nag pa tugtog. Bakit nga ba kasi ako nakikinig ng Radio tanghaling tanghali?! 

Sumandal na ako sa upuan ko at ipinikit ang mga mata ko ng bigla akong matigilan.

Nagsimulang tumugtog ang kantang Something In The Rain ni Rachael Yamagata. Napadilat akong muli at biglang pumasok sa isipan ko ang memories na nakakaiyak na pangyayari nung nasa kotse kaming dalawa ni Kijan.

It was so perfect. It was so real.

Kahit pa ngyari lang iyon sa sasakyan, never kong niregret ang pangyayaring 'yon. Those memories was just so classic. Walang ibang makakapantay.

Nang huli kong tignan ang boquet of red roses na binigay niya that time, sobrang lanta na nilang lahat. But there's one that stand out the most. Maganda, pulang pula at kasing bango lang din ng isang bagong pitas na rosas. Nung mga oras na nakatingin ako sa pekeng pulang rosas na 'yon na katulad lang ng ibang mga rosas noon bago pa ito malanta, doon ko lang na-realize ang sinabi niya saakin noon na,

"I will love you until the last rose dies.."




That's why, umaasa padin ako.

Umaasa padin ako na may dahilan ang lahat ng ito. I know him very well. Binigay ko ang tiwala ko sakanya ng buong buo at walang pag aalinlangan. I know that he will love me until the last rose dies just like he said.

Ramdam ko padin naman ang pag mamahal niya kahit na iba niya na ako tignan. Kahit na sobrang lamig, at kahit masakit. Basta alam ko padin ang tibok ng puso niya. Kampante ako.


Ako at siya lang hanggang sa huli.









VALIE

Ano na teh? Nahanap mo na ata forever mo dyan.

Sinend ko na ang text kong 'yon kay Mikee. Tagal naman ng babaeng 'yon! Kanina pa siya umalis ng bahay hanggang ngayon wala padin. Usapan namin after lunch—ala una pero alas tres na ngayon. Napa bili na tuloy ako ng ilang mga damit sa tagal niya.

Naglakad lakad muna ako habang hinihintay ang palaging Filipino time kong kaibigan pagdating sa usapan ng pag dating. Parang ang naging dating tuloy gumala lang ako mag isa.

Sa haba ng nilakad ko at sa dami na ng text na sinend ko sakanya, wala padin siya hanggang sa mahinto ako sa isang shop at maaninag ko ang pamilyar na mukha.

Last RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon