Chapter fifteen

1.4K 17 5
                                    

Last day na namin sa resort at bukas na ng umaga ang alis namin dito. Kasalukuyan kami ngayong kumakain sabay sabay ng tanghalian dahil maya maya lang ay pinaplano naming mag banana boat. Isa pala iyon sa binayaran namin pati narin ang ilang mga bangka—ski boats or wakeboard, at dinghy boats pero mas kilala itong tawagin na sailboats or rowboats.

Matapos naming kumain lahat, nag ayang mag swimming sila Eunice sa pool at ang mga lalake naman ay silang nag bi-billards dahil mamaya pang 3pm ang pinili naming oras sa para sa pagsakay sa banana boat. Para hindi din mainit. Habang nasa pool, nag punta kami nila Eunice sa hotspring at doon muna tumambay. Nag kwentuhan lang sa kung ano anong pwedeng maging ganap mamaya bukod sa pag sakay ng banana boat. Nakakasiguro kong mas naging close kami kay Eunice at mas nakilala pa namin siya hindi tulad ng dati na nakakabatian lang namin siya pag kasama niya si Jaydy. Pati nakilala narin nila Yiko si Kijan. Kahit na palagi nila akong inaasar kay Kijan.

Mas lalo pang lumala ang issue ng makita kami nila Eunice at Val sa beach na mag kayakap habang natutulog. Hindi ko narin matandaan kung bakit naging mag kayakap kaming dalawa ni Kijan. The last thing that I knew, nakatingin lang ako sakanya habang natutulog siya sa lap ko at lumilipad lipad pa ang buhok nito dahil sa lakas ng hangin. Hinintay ko ang kabuuan ng araw bago ako mahiga. Pagkatapos nun, nagising nalang akong nakapatong ang ulo ko sa dibdib ni Kijan.

Napatingin ako kay Kijan na siyang naglalaro ng billiards kasama sila Polo at nakikipag tawanan ito. Napahawak ako sa dibdib ko ng marinig ko ang malakas na pagtibok nito. Napapansin kong matagal ko ng nararamdaman ang ganitong klaseng tibok ng puso ko mag mula ng makilala ko siya at alam ko sa sarili kong hindi na 'to normal. May kutob na akong matagal ko na dapat cinlarify sa sarili ko ang ganitong pakiramdam kahit na alam kong ito ang pinaka maling gawin at pinaka maling maramdaman.

Natigilan ako ng hawakan ako sa pulso ni Eunice. Nakita ko na napatingin saakin si Kijan kaya agad kong iniwas ang mga mata ko sakanya at binaling ang tingin kay Eunice.

"Bakit?"

"May surpresa ako sayo." Maligalig na sabi niya saakin. Naguluhan naman ako sa sinabi niyang 'yon kaya binigyan ko siya ng what-are-you-talking-about-look.

"Basta! Mag ski boat kayo mamaya ni Kijan. Dapat kasi gagamitin namin mamaya ni Jaydy iyon pero nag usap na kami at sinabi niyang may plano daw sila nila Yiko para kay Polo at Valie mamaya." Pabulong nitong sabi dahil malapit lang ng kaunti saamin si Valie pero busy naman siya sa pag ce-cellphone kaya hindi niya kami naririnig.

"Mag ski boat kami?" Pag uulit na tanong ko sa dami ng sinabi niya. Tumango siya ng ilang ulit. "Bakit? Syaka ano bang plano niyo kila Valie at Polo?" Sunod sunod kong tanong sakanila.

Inaya niya ako sa may kubo sa di-kalayuan dahil malabong ma-e-explain niya ang kabuuan kung katabi lang namin si Valie. Umupo na kami doon at nagsimula ng mag explain si Eunice.

"Aminin mo na 'yang totoong nararamdaman mo. Mahirap ang mag tanong ng mag tanong sa sarili kahit na alam mo na ang sagot."

Sa mga sinabi niya, parang sapul na sapul saakin. Ang tagal ko ng nag tatanong sa sarili ko pero natatakot akong i-admit na totoo ang mga tanong na iyon sa isipan ko.

Siguro, ito na nga mismo ang tamang pag kakataon para sagutin lahat ng bakit. Kahit puno ako ng takot at kaba ang nararamdaman ko sa tuwing kaharap ko si Kijan at harapin ang mga sagot na iyon, kailangan kong gawin 'to para hindi na mahirapan pa ang sarili ko.

Last RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon